2

900 29 11
                                    

Ace POV

Sobrang saya ko as in. Yung makasama ko ulit yung mga kaibigan ko, plus may dumagdag pang dalawa sila Grace at Cloie. Actually okey na ako sakanilang dalawa. Makikita mo naman sakanila na sobrang sincere sila. Saka si Athena nadin yung nag sabi na mabait talaga yung dalawa. Tulad nya dahil kay Cristine kaya naging ganon yung ugali nya.

Malay ko ba sa babaeng yon virus ata na kapag napalapit kadon mahahawaan ka.

Isako tapos ibaon sa lupa ng di na maka peste. Charot, tawa kayo dali hihihihi.

Halos lahat ng madaanan namen ng studyante pinag titinginan ako at babatiin ako ibang iba tulad ng dati, na puro masasakit na salita at masasakit sa galos ang napang abot ko.

"Hi Ace pwede mag pa picture?" Tanong ng isang lalake na sa palagay ko ay Varsity ng basketball, naka uniform kase sya.

"Sure" sagot ko.

Agad nyang inangat ang cellphone nya at hinawakan ang bewang ko para mas malapit sakanya. Okey lang naman sakin iyon, wala namang malisya at wala ding masama. Ata?

"Isa pa Ace" hirit nya.

This time sa braso nya naman ako hinawakan. Sobrang dikit na ng katawan namen to the point na aakalain mo na magkayakap kame.

"Ehem" kunwaring ubo ng kung sino.

"Salamat Ace a, by the way I'm Patrick" at nilahad nya ang kamay nya. Akma ko na itong tatanggapin ng may mag salita sa gilid ko.

"Ang dami mong satsat alam mo yon?" Seryosong sabe ni Kent kay Patrick.

"Woooah bro easy" sabe ni Patrick at nagtaas pa ng kamay na ginagawa pag sumusuko.

"Easy your face, get lost" maotoridad na utos ni Kent.

"Tsk, see you around Ace" ngiti nyang sabe.

"See you" sagot ko.

"Tss" angit ni Kent.

Nag seselos ba sya? Kung ganon magandang senyales to.

Tumuloy na kame sa paglalakad papuntang cafeteria. Nagugutom na ko gosh.

"Anong inyo?" Tanong ni Bryle habang naka akbay kay Yuna.

"Kahit ano" sagot ko.

"Okey kahit ano daw" sabe ni Athena at dumiretsong counter na sinundan naman nilang lahat. Tanging ako at si Kent nalang ang natira.

Okey? Pinlano nila to diba?

"Upo ka" sabe ni Kent at pinaghila nya ko ng upuan.

"How sweet of you" ngiti kong sabe.

"Para sayo" ngiti nyang sagot pero agad ko syang inirapan. Gago ba sya?

"So how's your life?" Pagsisimula nya ng topic.

"Good..... Without you" sagot ko na ikinangisi nya. Nang aasar ba sya?

"Because it's better when you have me" banat nya.

"Shut up Kent wala kong panahon sa mga banat mo" mataray kong sabe.

"Grabe ka naman di mo manlang naapreciate" pagtatampo nya.

Excuse me? Dadaan ka Ace?


"Ako ba naapreciate mo?" Sagot ko. Gaguhan pala gusto nya e. Edi mag gaguhan kame.

"Ace" tawag nya

"What?" Iritado kong tanong.

"Nothing" malungkot nyang sabe kasabay ng pagyuko nya.

Okey spell awkward?

A-W-K-W-A-R-D -_-

Hindi nagtagal ay dumating na sila Yuna dala ang mga pagkain. Oo mga kase sobrang dami.

Pagkaeeeeeeeeeeeeen.

"Omygod pagkaen, don't talk to me muna a kakain lang ako" at sinimulan ko ng lumapang.

Etong mga nakaraang buwan kase puro ako diet. Ewan ko ba don kay Papi di naman ako mabilid tumaba pero kung pag diet-in ako e grabe. Kaya eto ako ngayon akala mo ngayon lang nakakain matapos ang ilang taon.

"Kalma Ace, ngayon kalang ba nakakain?" Manghang tanong ni Denver.

"Hindi, pero yung makakain ng madame oo" sagot ko habang ngumunguya ng burger.

"What do you mean?" Tanong nya.

"Diet bro, patayang diet. Kakain ng dalwang tinapay sa umaga, vegetable salad sa tanghali at isang boiled egg sa gabe" sagot ko.

"Thats why you're eating like theres no tomorrow" sagot ni Cloie.

"Exactly girl, you got it" at nag apir kameng dalawa.

"Mag pataba ka naman ang malnourished mong tignan" sabat ni Kent.

"Hinihingi ko ba yung opinyon mo?" Inis kong sabe.

Magkaiba ang Malnourished sa slim gago ba sya?

"Sinasabe ko lang" sagot nya.

"At baket?" Inis kong tanong.

"Why? Is it beacuse we have a freedom of speech?" Pa inosenteng tanong nya.

"Kung wala kang matinong sasabihin better to shut your mouth" angil ko.

"Sinasaktan mo yung damdamin ko" seryosong sabi nya.

"As if I care Kent?" Sagot ko.

"Oh look, The Queen of EU is here" sarcastic na singit ni Cristine.

Bayan author patayin mo na nga yang babaeng yan. Ang epal epal.

"Kung wala ding sense yang sasabihin mo umalis ka di ako natutuwang makita" sabe ko in a serious tone.

"Akalain mo yun mutual feeling hahahahaha" baliw na to.

"Edi sana di mo na ko kinakausap diba? Yan kase hirap sayo ang bobo bobo mo, ayaw mo kong makita but your still appearing in front of me. Are you that dumb ha?" Sagot ko.

"Pano di kita makikita kung lagi kang bumabalandra" ngisi nyang sagot.

"Kapag dadadaan kase ako pumikit ka, isako mo yung ulo mo o kaya ibaon mo yung sarili mo sa lupa tutal mukha ka namang ugat" sagot ko at niligpit yung pinagkainan namen kahit di pa kame tapos "I lost my appetite pakidala nalang sa kitchen" sabe ko sapilitan kong binigay kay Cristine yung mga pinag kainan namen at iniwan namen syang galit na galit. Serve her right.

"Bongga yun girl" sabe ni Yuna at nag apiran kameng mga babae habang ang mga lalaki ay napa iling nalang.

"So ano ng balak mo Ace?" Tanong ni Grace after namin mag diwang.

"Maghahanap ng matitirhan" sagot ko.

"Ha? Ibig sabihin wala ka pang matutuluyan" gulat na sabe ni Bryle.

"Oo Bryle kaya nga ako maghahanap na ng condo" sagot ko.

"Ayun pwede kang samahan ni Kent" suggest ni Yuna.

"No need I can handle myself" depensa ko.

"No I insist sasamahan kita" singit ni Kent.

"Kaya ko na sarili ko" pagmamatigas ko.

"Huwag ka ngang makulit" inis na sabe ni Kent.

"Excuse me?" Inis ko ding tanong.

"Pag sinabi ko dapat susundin mo. Kaya tara" at hinila na niya ako paalis sa mga kaibigan namen.


Bwisit naman e.

















-*-*-*-*-*


So Hi guys pasensya ngayon na lang ulit ako nakapag ud, may pasok na kase. Yieeee Grade11 nako hahahahahaha skl. So ayum siningit ko na sya tutal tanghali pa naman yung pasok ko bukas. So ayun skl ulit hahahaha. Enjoy :*

Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now