22

604 14 7
                                    

HALUUUUU MERRY CHRISTMAS I LOVE YOU ALL <3





-*-*-*-*-*-




Ace POV



Kasalukuyan akong naglalakad papuntang garden gusto kong mapag-isa gusto kong mag isip isip.

Hindi ko talaga ma gets kung bakit kailangan pag planuhan yung pagsagasa kay mama. Kase kung titignan ng mabuti, kasabay ng pagkasagasa kay mama at ang pagkuha kay Echo.


Naghalo halong emosyon ang nararamdaman ko sa naiisip ko.

What if, kasabwat ng tatay ko yung sumasagasa kay mama?

Kung totoo nga ang naiisip ko, mas lalong hindi ko sya mapapatawad. At baka hindi ko na sya kilalanin pang ama. Masisisi nyo ba ako puro sakit nalang ang dala nya? Matatawag nyo pa bang ama e tinalukaran nya na ang responsibilidad bilang asawa at bilang ama?



"Babe ano ba nakikiliti ako" bumalik ang diwa ko sa malanding halinghing na narinig ko.



Balak ko na sanang di na tumuloy sa garden at baka makaistorbo pa ko sa naglalampungan pero napahinto ako ng marinig ko ang boses ng lalaki.

"Ang kulit mo ha, ayan kikilitiin kita" at sunod sunod ng tawa ang narinig ko.


Ano ba tong babae tiktik?

Sumilip ako kung san nang gagaling yung boses at nagulat ako sa nakita ko.



Totoo ba to?


May kasama syang ibang babae


At naglalandian sila.



Kaya pala this past few days ang cold cold nya.



Ang kapal ng muka nya.


Dali dali akong umalis at pumuntang classroom nang makarating sa classroom agad akong nagtungo kung saan sya nakaupo

"Yuna pwede ba tayong mag usap?" tanong ko at tinignan nya ko. Kita ko agad ang pamumugto ng mata nya.

Alam nya na.


Na nagloloko yung boyfriend nya.



"Tungkol san?" malungkot nyang tanong

"Sumunod ka nalang" at lumabas nako ng room ramdam kong nakasunod sya saken.


Nag iisip ako kung paano ko to sisimulan, kinakabahan ako kahit na feeling ko alam nya na ang pag uusapan namen pero kase wala ako sa posisyon para dito.

Pero ayokong nasasaktan si Yuna, bestfriend ko sya at magkapatid na ang turingan namen.


Dumiretso ako sa rooftop at sumunod sya.


"Yuna hindi ko alam kung paano ko sisimulan dahil wala ako sa posisyon pero ayokong nasasakta-----" she cut me off

"About my boyfriend? Bryle?"

"Y-yes" naiilang kong sagot.

"Alam mo na pala Ace" malungkot nyang sabe.

"Bakit hindi ka nagsasabe?"

"Ayoko makadagdag sa problema mo Ace, ayokong maging pabigat sayo"

"Hindi ka magiging pabigat saken Yuna, we're bestfriend and we treat each other as a sister tayo nila Athena. Kaya sana huwag mong isipin na magiging pabigat ka samen. Kase nahihirapan din ako na nakikita kang nahihirapan" I say and I hug her. Then she cry like a baby.


I am also in pain.

"Si Carla yung babae Ace, first love nya. Napag usapan namen sya once and I ask him what if bumalik si Carla will he accept her. And he say no, ang sabe nya ako daw ang mahal nya at hindi na magbabago yon pero it's turn upside down. Nahuli ko din sila sa lumang building nag de date. Narinig ko yung pag uusap nila about saken and Bryle said na si Carla daw ang mahal nya at hindi ako. Ace ang sakit sakit. Yung tipong nasasaktan ako pero wala sya sa tabi ko para i comfort ako. Yung nasa tabi nya lang ako na girlfriend nya pero sa iba sya sumasaya at naiisang tabi ako. Ace ako yung girlfriend pero ako tong second option ako tong parang sabit. " pag kwekwento nya. I can feel her pain.



" Ano ng balak mo Yuna? " I ask her

" Hindi ko alam Ace, mahal na mahal ko si Bryle at kumakapit padin ako sa sinabi nya na ako ang mahal nya at hindi si Carla. Kumakapit ako don kahit may warak na dahil sya na din ang nagsabe na hindi nya ko mahal. Alam ko yun sinampal na saken yung katotohanan na dapat bumitaw na ko pero yung puso ko ayaw pa at hindi ko kakayanin pa. Ang tanga ko Ace, napaka tanga ko" I hug her tightly.

"I understand you Yuna pero please wag mong abusuhin ang puso mo at wag mong hahayaan na abusihin ka nya. Ayaw kita masaktan at huwag kang magpaka martyr sakanya. Sometimes the best way is to give up lalo na kung ikaw nalang ang kumakapit" payo ko.

"Hindi ba ko enough Ace?" umiiyak nyang tanong at tinignan nya ko sa mata.

"You are more than enough Yuna, enough ka may mga tao lang talaga na hindi marunong makuntento. You are enough, you are worth it"

Nasasaktan ako para kay Yuna. Now she is blaming herself dahil naghanap ng iba si Bryle. Gusto kong magalit kay Bryle, gusto ko syang saktan pero wala akong karapatan dahil hindi ko naman alam ang rason nya. Ayokong naging one sided dahil kaibigan ko din naman si Bryle.



"Balik na tayo sa room Ace" sabe ni Yuna ng kumalma na sya.



Hanggang pagpunta namen sa room yakap yakap ko sya.

Pag pasok namen sa room ay nasa amin ang atensyon nila pati ni Bryle na halatang nag aalala.

Umupo na kame sa kanya kanya nameng upuan dahil pumasok na yung prof namen.


Nag discuss na ang prof namen at bawat minuto ay tumitingin ako kay Yuna at sunod kay Bryle na mukang malalim ang iniisip.

"May problema ba?" tanong ni Kent.



Tinignan ko sya sa mata, pag sinabi ko ang problema makikialam sya. Ayoko namang mangyari yun dahil mahalaga din si Yuna kay Kent. Actually prinsesa ang turing sameng mga babae ng mga lalake nameng tropa.


"Wala" sagot ko nalang at ngumiti sya tapos nakinig na ulit sa prof.



Kalagitnaan ng klase ng biglang nagtaas si Yuna ng kamay.

"Yes?" tanong ni sir sakanya.

"Restroom" sagot ni Yuna at pinayagan na syang lumabas.


Sa kalagitnaan ng paglalakad nya ay bigla nyang napahinto at napahawak sa ulo.

"Shit something bad will happen" sabe ko at tumayo na.

Nang biglang natumba si Yuna.


Nagulat ako sa mabilis na aksyon na ginawa ni Bryle.

"Fuck, kasalanan ko to e" sabi nya at agad na binuhat si Yuna. Balak pa sanang sumunod na magtotropa pero agad ko silang pinigilan dahil wala din naman kameng magagawa don.  Atsaka time na nila yon para mag usap.


Sana maayos nila yon, sana ayos lang si Yuna.

Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now