Final Chapter (27)

436 11 6
                                    

Cristine POV




Nasa company ako ngayon with my and dad, may big time daw na gustong makipag partnership sa company. Since ako na ang maghahandle ng company nandito ako ngayon. I can manage naman kase may knowledge naman ako atsaka simula bata kinalakihan ko na to.


Ilang weeks na din ang nakalipas simula ng nag-usap kame ni Ace, we still communicating about the infos nothing more, nothing less. Nahihiya din kase ako sakanya sa dami ng kagagahan kong ginawa sakanya and I think this is the right time para bumawi.


Pumasok ang secretary ni mama na si Andy.

"Nandito na po sya" patungkol nya sa gustong makipag partnership sa amin.


Tumayo kame para i welcome at mag pakita na rin ng pag galang.


Dahan dahang bumukas ang pinto, kasabay nito ang pagpasok ng isang babae na nagmamay ari ng clothing line at sikat na model.


"Anak" gulat na banggit ni papa.

Ngumiti ito, nang may poot at lungkot.

"What are you doing here? The slot for janitress is not available right now" mataray na sabi ni mama.

Tinignan ng matalim ni Ace si mama, sobrang fierce nya. Yung tindig nya, yung aksyon nya, sya mismo ang dedefine ng power.

"I'm here for the partnership of my company and Cristine's company" tama, nakapangalan na saakin ang company kaya ako na mag hahandle nito. "And.............. Para singilin kayo" sabe ni Ace na senyales para magpasukan ang mga pulis.

"Bakit may pulis dito?" gulat na tanong ni mama

"Ma'am and Sir, meron po kameng warrant of arrest. Mas mabuti po kung sasama kayo ng maayos para maiwasan din po natin ang magkulo." at pinosasan na nila ang pamilya ko. Kita sa expression nila ang gulat at takot.


Ini-imagine ko ng mangyayari to, pero mas masakit kapag harap harapan ng nangyayari.





Ace POV



Fulfilling para sa akin ang mga nakikita ko sa ngayon. Ramdam ko na ang hustisya na matagal ko ng hinahanap. Sa wakas, nangyari na.


I am sure na mabubulok na sila sa kulungan, patong patong na kaso ang kakaharapin nila.


"Anak tulungan mo naman kame o" pag mamakaawa ng mama ni Cristine sakanya.

"I'm sorry, ma" umiiyak na tugon ni Cristine.

"What do you mean by I'm sorry? Maawa ka sa amin ng papa mo anak"

"Ma, kailangan nyong pagbayadan ang mga hindi nyo magandang ginawa. Kung kaya ng konsensya nyo pwes ako hindi. Ayokong mabuhay ng may madilim na dinadala na kagagawa ng magulang ko. Ma, ginawa nyo yan, ngayon sinisingil na kayo ng batas kaya dapat nyong harapin nya"

"You knew about this? And you didn't bother to tell us?"

"Para ano ma? Para takasan nyo yung ginawa nyo? Magpakatao naman kayo ma" sagot ni Cristine dahilan para lumipad ang kamay ng mama nya sa pisngi nya.


"Simula ngayon hindi na kita ituturing na anak, kalimutan mo na din na nanay mo ako"


Sinenyasan ko ang isa sa mga pulis para dalhin na sa prisinto ang mag asawa.


Agad kong niyakap si Cristine.


"Are you okay?" concern kong tanong.

"Y-yes, yes I am fine." sagot nya.


Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now