16

625 14 2
                                    

Ace POV


"Girls ang tagal nyo namang kumilos" bunganga samen ni Athena

"Pwede wait? Kailangan ko magpaganda para sa jowa ko" proud na sabe ni Yuna

"Omg ako din" out of nowhere kong sagot.

"Wait what?" gulat na tanong ni Yuna

"Is that Kent?" pangangasar na tanong ni Athena.

"Yep" nahihiya kong sagot. Can I consider it as a boyfriend? Hmmmm....

"Omg I knew it" sabe ni Yuna

"Ohh kalma mas kinikilig pa kayo saken e" natatawa kong sabe, we all have this kind of friend na sila pa yung mas kinikilig kesa sayo. And I find it cute.

"Girl, I'm so happy for you" sabe ni Athena na lumapit saken at yinakap ako.

"Omo, pasama ako" and we hug each other.

Nagbitawan lang kame ng may malakas na kumatok sa pinto.

"Girls hurry up hinihintay na ko ng mga boys sa pool area" malakas na sigaw ni Grace ata.

"Eto na" at nag madali na kameng lumabas ng kwarto namen.





Nang makababa kame sa pool area nilibot agad ng mata ko ang buong lugar. Hinahanap ko si Kent.

"Drinks, you want?" tanong ni Cloie

"Juice lang ako" sagot ko.

"Ako din"

"Same"

"Okay, hanap na kayo ng seat kukuha lang ako ng drinks" na agad naman nameng ginawa.

Mas pinili namen yung malapit sa bintana para mahangin, ang sarap kase ng hangin dito, maaliwalas di gaya sa nilalagian ko polluted.

"Iikutin ko yung place sama kayo?" alok ko dahil ang boring ng nakaupo lang, edi nila gustong sumama kaya maglilibot nalang ako mag-isa. Pabor din naman sya saken kase minsan gusto ko ding mapag isa.

Dumiretso ako sa balcony ng hotel na malapit sa pool area. Kitang kita dito yung bulkan at yung dagat. Nakakatuwang makakita ng mga taong nangingisda. Mas maganda makakita ng legal na pangingisda kesa sa illegal, yung mga nag da-dynamite fishing ba. Kesa nasisira din nila yung mga coral reefs dahilan para maubos din yung mga isda. At nakakalungkot na may mga nadadamay na inosenteng hayop sa mga kapabayaan ng tao.

Sa pag iisa ko ang daming mga thoughts ang pumasok saken, buhay ko sa ibang bansa, buhay ko noon, kung buhay pa kaya si mama ano na kayang ginagawa namen ngayon, kung buo padin ba kameng tatlo nila Echo. Miss ko na sila, sobrang nangungulila ako sa pagmamahal ng pamilya. Hinahanap ko yung yakap at halik ni mama, yung kakulitan at sweetness ni Echo.

Hindi naman kase mangyayari ang lahat ng to kung di bumalik yung tatay ko e, na walang ibang ginawa kundi mag dala ng sakit sa buhay ko, sa buhay namen.

Dahil sa mga thoughts na sumasagi sa isip ko, mas lalo akong na pursue na bawiin si Echo at pagbayarin yung driver na sumagasa sa nanay ko. Mag hintay lang kayo.

"A precious lady shouldn't have tears on her eyes" that caught my attention.

"Kent" wika ko at agad akong napatayo ng tuwid.

"What's the problem darling?" he ask, come to me and kiss my forehead.

"Sila Mama at Echo" na tila nagsusumbong ako.

Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now