11

639 22 0
                                    


Ace POV


Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong gumulong gulong sa kama ko.

Kent Dylan ginugulo mo ang isipan ko yawa ka, arrggh!!


Eleven na ng gabi nakauwi na kami galing sa gala namin at ang mga kumag kaya pala hindi namen mahagilap, tinataguan pala kame. Binigyan nga kame ng quality time ni Kent.


Alam ba nila na dahil sa ginawa nila hindi ako makatulog ngayon? Ginugulo ng mga sinabi ni Kent ang utak ko. Eto namang puso ko ang harot jusko. 


Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang gagawin at susundi ko.


Bumalik lang naman kase ako dito sa pinas para sa saktan si Kent, hindi physical but emotional. Balak ko sanang mafall saken si Kent tapos pag na fall na sya saken ay iiwan ko sya tulad ng ginawa nya saken noon.


I know sa nalaman nyo galit kayo saken pero masisisi nyo ba ko? Sobra akong nasaktan, sobrang pag mamaka-awa ang ginawa, lahat ginawa ko, kinain ko ang pride ko at durog na durog ako ng mahigit ilang taon.


There are some part of me na nag sisisi kung bakit pa ba ako bumalik dito sa pinas at kung bakit ko binalakan na maghigante kay Kent. Bakit ba ako nag sisisi? Kase alam ko na sa sarili ko na ako nananaman ulit ang talo. Eto nanaman ako, imbis na si Kent ang sasaktan ko ako pa ata ang masasaktan...... ulit.


Ako ang nafa-fall ulit kay Kent. There are some part of me na gustong gusto ko yung mga ginagawa ni Kent na sweetness towards me, gusto kong paniwalaan yung mga sinasabi nya. Pero nandito si takot, takot na masaktan ulit ako, takot na maniwala ulit sa mga salita nya tapos in the end kasinungalingan lang din pala ulit. Takot akong madurog ulit, natatakot akong masaktan, natatakot akong mahalin sya ulit.


Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako, dali dali kong pinunasan yung mga luha ko at huminga ng malalim.


"Ace....Ace makinig ka, nangako ka sa sarili mo na hindi ka na ulit iiyak diba? Pagod ka ng umiyak ano ba" pakikipag-usap ko sa sarili ko.


Kumuha ako ng jacket sa drawer ko at lumabas ng condo, mag lalakad lakd muna ako. Hindi rin ako makatulog e, saka nagugutom na din ako. Pwede na din naman akong kumain sa convenience store tutal midnight snack lang naman.


Ang lamig ng panahon ngayon, ang daming puno na may mga led lights, nakaka refresh.


Umupo muna ako sa isa sa mga bench at pinagmasdan yung mga taong nag lalakad.


May mag jowang kung makapag lampungan akala mo wala ng bukas, mga kabataang nagtatawanan, at pamilyang namamasyal.


Ang sarap amgkaron ng buong pamilya no? Minsan ko lang maranasan ang magkaroon ng buong pamilya, yung masaya kayo. Kakain ng sabay sabay, mamasyal kapag weekends, susuportahan ka sa mga kompitensyon mo, yung yayakapin ka pag malungkot ka.


Yun na nga lang nasira simula nung nangapit bahay yung tatay ko, ayaw kong magalit sakanya pero hindi ko maiwasan. Isipin ko palang na pinagpalit nya kame ni nanay sa pera. That's bullshit.

Chase by the Dominant (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant