SPECIAL CHAPTER 2

292 8 0
                                    

Yuna POV




Tahimik ang bahay ng barkada. Si Kent at Ace ay nasa kanilang bahay na, yung iba naman ay may pinuntahan. Ako lang ang naiwan rito sa bahay at nag iimpake ng mga gamit.


Patuloy lang akong masasaktan kapag makikita ko si Bryle at nasa iisang bubong lang kame. Mag tetext nalang siguro ako kay Athena para magpaalam dahil kapag sa personal ako nagpaalam tiyak pipigilan nila ako.

Si Ace lang kase ang nakakaalam at ayoko naman sabihin sakanila dahil natatakot ako baka magiba ang tingin nila kay Bryle.


Nang matapos mag impake ay nagsimula na akong maglakad palabas. Maraming memorya rito sa bahay na to. Masasayang alala ng barkada at alaala namin ni Bryle na ngayon ay sisimulan ko ng limutin.

Magdidilim na rin pala at mag bobook rin ako ng taxi. Nasa labas na ako ng bahay at umupo sa semento para sana mag book. Natigil ako sa ginagawa ko ng huminto ang sasakyan ni Bryle kaya agad akong napatayo at mahigpit na humawak sa mga bagahe ko.

"Where are you going?" seryosong tanong nya pero mababakas ang lungkot at makikita sa mata nya ang sakit.

"Aalis" bulong kong sagot.

Narinig ko ang pag buntong hininga kaya umiwas ako ng tingin dahil anytime ay lalabas na ang luha ko. Hindi pa rin pala ubos to.


"Are you going to leave me?" malungkot na tanong nya.

Imbis na sagutin ko sya at napayuko nalang ako. Feeling ko ay may bumara sa lalamunan ko. Naglalaban ang puso at isipan ko ngayon.


"You are not going anywhere" determinado nyang saad at kinuha ang mga maleta ko.

Aagawin ko na sana ang mga iyon peri mabilis syang naglakad papasok ng bahay.

"Bryle amin na" inis kong utos pero parang hindi nya ako naririnig at patuloy parin sa paglalakad.

"Amin na yang mga yan Bryle, let me go" naiiyak kong saad.

"I won't let you go" determinado nyang sagot at tinaktak ang mga damit ko sa kama nya.

Agad naman akong dumalo roon lara ibalik sa mga maleta ko ang mga gamit ko. Para kameng tanga dahil inaalis nya ang laman ng maleta ko samantalang ako naman ay pilit kong binabalik.

"Please Bryle let me go, please" pagmama kaawa ako.

"I can't" frustrated na sagot nya.

"Free me from pain Bryle please" sagot ko at naupo sa kama habang umiiyak.

Tumabi sya saken at yinakap ako sabay nagpatihulog sa kama. Yakap nya ako kaya natanggay ako.

"Let's sleep" bulong na utos nya.

Akma na sana akong tatayo pero mahigpit nya ako yinakap. Mas nagpumiglas ako ng mas ilapit nya ang katawan nya sa akin at isuksok ang mukha nya sa leeg ko.

"Aalis na ako Bryle, ano ba" iritang saad ko habang patuloy parin sa pag iyak.

"Don't, please" napigil ang pag piglas ko ng marinig ko ang pag crack ng boses nya at makaramdam ng luha sa leeg ko. Nagsimula narin syang humagulgol sa leeg ko dahilan para mas lalong mabasag ang puso ko.

"Forgive me, please" umiiyak na sabe nya.

Hindi ko namalayan na kusang kumilos ang mga kamay ko lara aluin sya. Mas humigpit ang yakap nya ng maramdaman ang kamay ko sa ulo nya para laruin ang buhok nya.

"Carla and I don't have a thing" pag uumpisa nya. "Malulugi na ang kumpanya namen at pamilya lang nila Carla ang maasahan namin dahil sanggang dikit ang family ko at family ni Carla. Nagkaron ng kasunduan at kameng dalawa iyon ni Carla. Tutol ako pero natakot ako na baka mabaliwala ang effort nh family ko para sa kumpanya. Then I see you crying many times because of me, that breaks me babe. I'll try to talk to them sinabi ko sa family ko at family ni Carla na ikaw ang mahal ko at hindi ang anak nila. Naintindihan ako ng family ko pero nagalig ang family ni Carla. Then accidentally kong na open up kila Ace at Kent ang about sa company namen. They are willing to help" pag kukwento nya.

"Bakit hindi ka humingi ng tulong saken?" tanong ko.

"Ayoko dumagdag sa problema na meron ako, you are too precious to me" sagot nya dahilan para lumambot ang puso ko.

"I know, pero dapat nagsabi ka rin sa akin." saad ko.

"I'm sorry" halos pabulong na sagot nya. "Kung gusto mo parin umalis pwede ba kitang ihatid?" at nagsimula nanamang yumugyog ang balikat nya.

Ngayon ako naman ang yumakap sakanya ng mahigpit.

"I won't leave you, I can't" sagot ko para iangat nya ang mukha nya.

Nasilayan ko ang malungkot nyang mata na dahan dahang nagiging masaya.

"Talaga?" naiiyak nanaman nyang tanong.

"Yes, stop crying na" malambing na saad ko.

"Can we cuddle forever?" baby nyang tanong nya dahilan para halikan ko sya sa tungke ng ilong.

Isa ito sa minahal ko sakanya. He can be a baby and can be a man.

"Of course" sagot ko.

"I love you" malambing na saad nya.

"I love you too" sagot ko.

And he slowly kiss me.


Bryle is my comfort, Bryle is my home.




Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now