8

723 19 2
                                    

Fact #3
Mahilig akong sumayaw pero ayaw nya saken. Sad :'>

Ace POV

"Ang aga mo namang pumasok ineng?" Wala kang pake

"Ammm..... Madami po kase akong tatapusin na paper works e"

"Bakit ineng wala kabang bahay?" Meron manong makikiupahan kaba?

"Kuya papasukin mo nalang ako at baka abutin ako ng demonyo sa buhay ko" seryoso kong utos

"Demonyo?" Naguguluhan nyang tanong

"Oo manong dedemonyohin ka saken pag di mo pa ko pinapasok" angil ko. Nakakagigil ka manong kakaltukan ko panot mo.

"Osya sige pumasok kana" bubuksan din pala dami pang dada

"Salamat po" ngiti kong sagot.

Maaga talaga kong pumasok, para makaiwas kay Kent.

Hindi ko alam kung bakit........... Gusto ko lang

Fuck

Okey fine umiiwas ako. Umiiwas ako dahil hindi na tama to. Hindi na tama na napupuno nanaman ng katanungan ang utak ko na ang hirap hirap sagutin.

Eto pang nararamdaman ko. Yung pagtibok ng puso ko, I know na normal lang na tumitibok ang puso ko pero hindi normal yung mabilis na pagtibok pag nandyan si Kent.

I don't know, sabi ng puso ko "sige push mo landiin mo pa si Kent, asawahin mo na" but my mind says the different "sige lumandi ka tapos ikaw nanaman ang iiyak. Hindi marunong mag mahal yan"

Im torn

"Hayst"

"Lalim ng buntong hininga a?"

"Shet ka namen e" sabi ko kay Raniel dahil nagulat ako.

"Sorry nagulat ba kita?" Natatawa nyang tanong

"Hinde nasurprise ako" iritado kong sagot sabay irap.

"Bakit ka na pabuntong hininga?"

"Wala, alam ko kaseng dadating ka" pagbibiro ko pero hindi sya natawa.

"Isang rason kung bakit nag bubuntong hininga ang tao ay naguguluhan. So if you mind, can you share?"

"Share what?"

"Kung ano o sino ang bumabagabag sayo"

"W-wala" fuck

"Kinakabahan kaba? am I intimidating? Or that person is intimidating?"

"Anong sya? Hindi naman sya e." Hala what? "I mean w-wala ano ba Raniel g-ginugulo mo ko" pinaglalaruan nya ko. Unfair

"Wala naman akong tinutukoy a, and why the sudden stuttering?"

"Nakakainis ka alam mo yun?"

"Bakit anong ginawa ko?" Natatawa nyang tanong.

"Painosente ka pa halikan kita jan e"

"Woooah you're wild huh"

"Wild mo lolo mo"

"Ohh papa-legal ka agad sa lolo ko?" Natatawa nyang sabe

"Ano ba Raniel naman 'to o"

"Okey okey hahahahahaha"

"Alam mo punyeta ka din minsan e, lagi pala" sabay irap pa.

"Alis nako papunta na yung rason sa buntong hininga mo o" sabi nya at kumindat at sinimulan ng maglakad paalis

Tumingin ako kung san sya nakatingin kanina at kung sinuswerte ka nga naman si Kent papunta sa kinaroroonan ko at seryosong nakatingin.

Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now