24

394 9 2
                                    

Someone's POV





"Ano ba tanga ka ba talaga? Paano ako kakalma kung malapit na tayong makulong?" rinig kong sigaw ni mama mula sa kwarto nila ni papa.

"Ano pang silbi ng pera para malinis tong pangalan naten nag iisip ka ba?" sagot ni papa.

Out of curiosity mas lumapit ako sa kwarto para mas marinig ang pinag uusapan ng magulang ko.


"Ikaw ang hindi nag iisip. Mas mayaman na sa atin ang dati mong anak, sinabayan pa ng letcheng batang yan mawawalan tayo ng partnership sa kumpanya nila pag nalaman to ng pamilya nya."

Sino yung tinutukoy nila? Sino ba kasi yung anak ni papa na tinutukoy nila? Alam ko na may anak si papa sa labas kase nasa puder namen yung isa nyang anak pero hindi nila binabanggit kung sino nga ba yung isa nyang anak ang alam ko lang kaedad ko sya.

"Isa lang ang nakikita kong paraan dito" sabi ni mama

"Itigil mo yan" gigil na sabe ni papa "Huwag ang anak ko"

"Wala na tayong choice kung hindi ipa-----------"


"Ate?" hindi ko na narinig ang sasabihin ni mama dahil sa biglang pag singit ng kapatid ko, kapatid ko sya sa labas.

"Kanina ka pa jan?" tanong ko

"Opo" ibig sabihin narinig nya yung din yung pinag uusapan nila mama

"Tara sa garden" pag aya ko sakanya na agad nya namang sinunod.

Kahit kapatid ko sya sa tatay naawa ako sa batang to. Ang dami nya ng pinag daanan sa murang edad. Hindi ko na makita yung totoong saya sa muka nya na kung tutuusin dapat sa ganyan nyang edad e nag eenjoy lang sya sa buhay. Kaya tinuring ko na lang sya na tunay na kapatid.

"Kain ka muna ice cream o" at inabot ko sakanya yung favorite na agad nyang tinanggap at ngumiti.

"Anong pangarap mo sa buhay?" pagtanong ko

"Hindi ko nga alam ate, pero ang pangarap ko sa ngayon bumalik yung mama ko at ate ko." sagot nya na ikinalungkot ko.

"Hindi kaba masaya kay ate, bunsoy?" tanong ko.

"Masaya ate, kase ikaw ang nandito saken para tumayong mama saka ate saka bestfriend saka sponsor ng ice cream. Alam mo ba ate ang dami kong toys na magaganda, mga damit na mamahalin pero hindi ako masaya. Hindi ko nararamdaman yung pagmamahal ng pamilya" this time naiyak nako

"Mahal na mahal naman kita bunsoy e kahit kapatid lang kita sa tatay"

"Salamat ate dahil nandito ka. Pero napapaisip padin ako kung deserve ko ba to, kung deserve ko pang pagkaitan ng totoong kasiyahan" at young age napaka mature nya na. Ang dami nya ng natutunan compare saken.

"May rason ang lahat ng nangyayari bunsoy"

"Gusto ko ng ate kasagutan. Dati pag nagkasugat ako sa tuhod yun na yung pinaka masakit na mararamdaman ko pero ngayon dito na" sabay turo nya sa puso nya "may sugat na ate ko" i hug him.



Hindi nya deserve masaktan, hindi nya deserve to.

Napaka precious ng batang to, napaka bait. Bakit ba kung sino pa yung mabait sila pa yung laging nasasaktan? Kaya ayoko maging mabait e. Ayoko maabuso.


"Eto lagi mong tatandaan ha, nandito lang si ate lagi sa tabi mo. Mahal na mahal ka ni ate, Echo"





















Ace POV



Kasalukuyan akong inaayusan. Ngayon kase yung photoshoot namen at napili na sa school nalang namen ganapin. Gugol na daw sa oras saka madami namang magaganda spot dito sa Elite University.




"Okay ready na mag i-start na tayo" sabi ng director.




Pumunta nako sa oag shoshootan at ang daming tao. Ang daming nanunuod.




Nakita ko naman si Kent at ang tropa na nakatayo sa likudan ng photographer at todo support saken.


May nilabas na papel si Kent at may nakasulat na "You are my yellow, yellow is a sunshine" corny pero napangiti ako.


Sa simpleng effort palang ni Kent nahuhulog na ko sakanya ng malala.








Natapos ang shoot at nagpasalamat kame sa isa't isa bago mag kanya kanyang way.

Ang dami ring nag pa picture saken ewan ko ba hindi na sila nasanay na nakikita ako araw araw.

Pero ang cute, kase na a-appreciate nila ako.




Ngayon nasa parking lot na kame ni Kent.

"I have a good news" pag oopen nya ng topic

"Ano yon?"

"Tine-trace na yung kotseng bumangga sa mama mo" sagot ni Kent na dahilan para yakapin ko sya at maiyak.


"Sobrang saya ko Kent, thank you so much"


"I can do anything for you my love"







"What a cute scenery, lover hugging each other at a parking lot. Gusto nyo ng effect na fireworks?"

"Cristine please umalis kana" sagot ni Kent.

"Kakadating ko lang papaalisin mo din ako? Oh wait, ako din may good news sayo Kent. We have a family dinner mamaya with my parents and your parents, so see you there" sabi ni Cristine at umalis.


"Ace, do you trust me?" he ask.

"Of course Kent"

"This marriage thing with her, I promise you matitigil to. Ikaw ang mahal ko at gusto kong pakasalan Ace" sabi ni Kent at niyakap nya ako.




Papunta na kame ngayon sa condo ko.


Ang daming what if ang bumabalot sa akin ngayon.


Pero pinagkakatiwalaan ko si Kent. One of the foundation of love is trust.


Hindi naman nya siguro ako bibiguin diba?

"Alam ko ang iniisip mk ngayon Ace, please trust me" sabi nya

"I do, I trust you Kent" sagot ko.

I look at his eyes and it says genuineness.

"I love you Ace"

"I love you too, Kent.

Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now