25

443 13 4
                                    

Ace POV

Its almost a week simula nung huling kita namen ni Kent, hindi rin sya pumapasok ang sabe ng mga prof namen excuse daw sya, business matter. Ang sabi naman ng tropa hindi daw sya umuuwi sa bahay, dun daw sya sa bahay ng parents nya namamalagi. Everytime naman na tinatawagan ko sya kung hindi busy walang sagot even sa text.

Pati si Cristine hindi padin pumapasok.

Ang daming what if sa utak ko ngayon, pero may tiwala ako kay Kent at iyon ang pinanghahawakan ko ngayon.

Nag lalakad nako sa corridor ng biglang may humila sakeng babae papunta sa janitors room

"Aray ano ba" pag rereklamo ko ng pilit nya kong ipasok sa room

"Shhh shut up" sabe ng babae na alipores pala ni Cristine

"Ano bang kailangan mo?" pag rereklamo ko.

"Shut the fuck up kung ayaw mong mahuli tayo at gusto mo pang mabuhay" sagot nya na ikinabigla ko at ikinatahimik ko.


A moment of silence, nagpapakiramdaman kame. Napupuno ako ng takot at taranta.

"Okay mukang wala na sila" sabe nya "But first you have to calm down" sabe nya at sumesenyas sya na mag inhale, exhale ako na agad ko namang ginawa.


"I know we create so much chaos to you, but this time you have to trust me" sabi nya "And oh by the way I am Max"

"Ano bang nangyayare?"

"I heard some guys kanina sa parking lot, they are finding you and want to kill you. The reason, I don't know, hindi ko na sila napakinggan dahil sa taranta ko para hanapin ka at may nag utos din saken para bantayan. I am not an agent or what okay, so kailangan sumunod sa sasabihin ko. " she explain.

"Sino nag utos sayo?" tanong ko.

"Hindi na importante yon. Sabihin na lang naten na unexpected person sya sayo" sabi nya "Hindi kita mababantayan dahil as what I've said earlier nga I am not an agent, so iwasan mong pumunta sa lugar na walang tao, iwasan mong mag isa, and since you have lots of friends stick with them. And much better na wag kanalang muna umuwi sa condo mo."

"Okay" sagot ko.

"Wala ng tao dahil nagsimula na ang class, so kailangan naten mag stay dito hanggang break time"

"Wait what?" pag rereklamo ko.

"Better be safe than sorry. Mas mahalaga ang buhay kesa sa grades Ace" sabe nya na ikinatahimik ko naman.


Meron sa side ko na ayaw ko maniwala sakanya. Una, kaibigan sya ni Cristine na walang ginawa kung hindi kamuhian ako. Pangalawa, ngayon ko lang sya nakausap. Pangatlo, baka pakana to ni Cristine. Pang-apat, sino naman ang papatay sa loob ng school?


Pero hindi impossible ang pang apat naloloka nako. Napapabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko.

"I know you still doubting me Ace."

Hindi ako makasagot.

"Alam mo ba kung bakit ako nasa puder ni Cristine ngayon?" she ask

"I don't have any idea" sagot ko

She smile.

"Let me tell you a story" sabe nya at nagkakakalikot sa cellphone nya at may pinakitang picture. Babaeng may makapal na salamin, buhaghag na buhok at may braces. Nerd kung tawagin ng iilan.


"That's me, before Cristine came to help me" she said na kinagulat ko "Nasa cafeteria ako non, alone kase nga nerd. Kumakain ako non when someone spilled her drink to me, I know it was intentional sya kase yung laging nang bubully saken. Nilait ako, pinagtawana ako, gusto kong gumanti pero wala akong lakas ng loob. Ganyan naman kase ang mga tao sa university na to, as long as a sikat ka kakampihan ka kahit mali, bullshit." at natawa sya." Then suddenly, Cristine came. Pinagtanggol nya ko, she help me to become this, tinuruan nya ko mag ayos, paano magkaron ng self confidence tinuruan nya ko magbago. Sinabi nya pa saken na huwag daw akong gumanti sa mga nang bully saken. Malaking sampal nadaw sakanila yung pagbabago ko physically kase hindi naman daw nila deserve pag aksayahan ng oras. Cristine may be a bitch to everyone here, pero pag nag deep dive kayo na makilala si Cristine, she is a kind girl that seeking for attention lang. She might be a devil to you Ace dahil sa pinag gagagawa at sinasabe nya towards you pero believe me, Cristine is kind" sabe nya, I can say na nagsasabi sya ng totoo. Mouth can say lies but eyes don't.


"I am not expecting you to believe me Ace, pero please sana sumunod ka sa mga sinabi ko. Wala din naman mawawala sayo pag sumunod ka." sabe nya at hinila na ako palabas ng janitors room.

Break time na pala kaya nya ko hinila.

Hinatid nya ko hanggang room at hindi na nag paalam pa.


" Where have you been?" tanong ni Cloie pag kapasok ko.

" Something came up" sagot ko na sinang ayunan naman nyan.

"Tara canteen" aya ni Athena at sumunod naman kame.



Busy kameng kumakain ng maramdaman kong tinatawag ako ng kalikasan. Busy sila kumakain kaya hindi ko na sila niyaya na samahan akong mag restroom

"Restroom lang, paalam ko." paalam ko

"Samahan na kita" pag aalok ni Grace na agad kong tinaggihan

"Enjoy your meal" sabi ko at umalis na.


Madami pa namang tao kaya hindi ako natakot na mag restroom ng mag isa.





Paglabas ko ng restroom wala ng tao. Chineck ko ang oras sa wrist watch ko at time na pala. Sinimulan ko ng maglakad at tanging tunog lang ng heels ko ang naririnig.

Ramdam kong may nakatingin saken at hindi lang dalawa kong paa ang naririnig ko, may sumusunod saakin.


Nagsimula na kong mag lakad takbo at ganon din ang nasa likuran ko.



Tinignan ko ang nasa likudan ko at hindi nga ako nagkakamali may tatlong lalake na sumusunod saken.


Tumakbo ako hanggang kaya ko.


Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko, natatakot ako, mamatay na ba ako?



Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may humila saken at tinakpan ang bibig ko.






Katapusan ko na nga ata.





Chase by the Dominant (COMPLETED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu