5

780 28 2
                                    

Oha may update HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH

Ace POV

"ACCCCCCCCCCCEEEEEEEEEEEE"- Sigaw ni Yuna mula sa kabilang kwarto. Kakalipat lang nila dito, busy ang mga girls sa pag aayos ng mga gamit samantalang ang mga boys busy sa niluluto at pag hahanda ng mga inumin.

"BAKET?" Sigaw ko pabalik dahil nasa kwarto din ako.

Buti nga pinayagan sila na dito tumira, ang rason din daw ng mga magulang nila para maging independent na sila. May tiwala din naman samen ang mga magulang nila.

"PATULONG NAMAN OH" agad naman akong tumayo at pumunta sa kwarto nila Yuna.

Pagpasok ko nandon sila Yuna at Athena busy sa pag aasikaso.

"Anong maitutulong ko sainyo kamahalan?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.

"Tulungan mo kameng mag ligpit jusko haggard na kame" sabay punas nya ng pawis sa noo nya.

"Okey" sagot ko at lumapit ako sa mga bagahe nila at sinimulan ng itupi yung mga damit nila.

"So kamusta ang modelling?" Tanong ni Athena na busy sa pag aayos ng mga checheburetche nya.

"Mahirap pero masaya, mahirap kase nakakapagod plus pa yung fact na kelangan i maintain mo yung katawan mo. Diet kahit ayaw mo, exercise kahit tinatamad ka. Pero masaya dahil madaming gwapo" at nag tawanan kame sa huli kong sinabi.

"May kaibigan ka naman ba don?" Tanong ni Yuna.

"Meron isa, si Jasper"

"Jasper? Lalake?" Tanong ni Yuna.

"Yup, actually sobrang close namen to the point na pinagkakamalan na kameng couple. Actually model din sya, nakilala namen ang isa't isa nung maging mag partner kame para sa isang magazine" paliwanag ko.

"Owwww so how's he?" Kuryosong tanong ni Athena at lumapit pa saken.

"He's nice, he treated me nicely."

"That's good atleast alam namen na safe ka don. Teka saang bansa kaba talaga nag momodelling? Nung umalis ka wala kameng ka clue clue kung nasan kaba" si Yuna

"Actually pa iba iba e. Nag train ako sa US tapos nung maka graduate ako pumunta akong Paris, ng mas madiscover ako don pumunta naman akong Korea at sa korea ko nakilala si Jasper. Actually palipat lipat kase ako depende sa management kung saang bansa nila trip" paliwanag ko

"Ahh kaya pala hindi ka nakita ni Kent nung pumunta syang US" wait......

"Pumunta si Kent sa US?" Kuryoso kong tanong.

"Oo a month before nung umalis ka, nung malaman nya yung totoo. Sinundan ka nya nagbabaka sakali sya na baka nasa US ka, lahat nga ginawa nya pati koneksyon ng angkan nya ginamit nya para mahanap ka e" paliwanag ni Athena.

Teka naguguluhan ako. So kaya hindi na makatidikit si Cristine kay Kent dahil nalaman nya na yung totoo. Sana noon nya pa inalam diba.

Wait what? Ace naka move on kana okey?

"Baka kaya hindi nya ko nahanap kase hindi talaga kame para sa isa't isa" sagot ko. Totoo naman e.

"Ace" sabe ni Athena at hinawakan ang kamay ko.

"I'm okey ano ba" at tumawa ako. "May dalawang rason kase kaya pinagtagpo ang dalawang tao, for a reason and for a lesson" sagot ko

"Ace are you really fine?" Concern na tanong ni Yuna.

"Believe me I'm fine, naka move on nako. Naka look forward nako sa mga sakit na dinanas ko noon, pati nadin sa feelings ko for Kent." At yinakap nila kong dalawa.

"Ahhhhh namiss ko kayo" sabe ni Yuna. Kumalas lang kame sa yakapan nameng tatlo ng may kumatok.

"Tara na sa labas" sabi ni Denver at agad kameng lumabas. Sakto naman dahil katatapos lang nameng mag ayos.

Nasa garden kame malapit sa swimming pool kung saan tanaw ang ilaw ng siyudad. Ang ganda ng ambience ang romantic. Dear ambiance, please don't be like this single ako gago di ako relate sa trip mo

"Ace o" sabe ni Grace at inabutan ako ng beer.

"Salamat" at tinanggap ko iyon. Tumabi saakin si Kent, balak ko sanang lumipat sa isang upuan pero in-occupied na ni Cloie.

Psh.

"Wag kang mag pakalasing" seryosong bulong ni Kent dahilan para tumindig ang balahibo ko.

"Don't tell me what to do, I can handle myself" seryoso ko ding sabe. Gaya gaya ako e bakit ba?

Nag simula na ang kwentuhan, kung ano anong kalokohan ang kinukwento nila lalo na ang boys sa pangunguna ni Bryle.

"Naalala ko nung bata ako hilig kong sundutin yung pwet ng pusa namen tapos ipapa amoy ko sa mga katulong namen tapos ang masasabe lang nila 'salahula kang bata ka'" at nag tawanan kame lalo na sa part na ginaya nya pa kung pano mag salita yung katulong nila.

"Ano baboy mo" natatawang komento ni Yuna.

Nag tuloy tuloy ang kasiyahan hanggang sa mag aya silang mag Uno.

Sakto nahihilo na din ako. Or should I say lasing na ako, lasing na kame maliban sa boys.

Mga walwalers yang mga yan e.

"Tres na green, green tulad ng nature dahil nature na ang pagdudahan ako at hindi alamin ang totoo" at nag 'wooooah' naman sila sa hugot ko. Nagpaikot ikot hanggang sa maiba ang kulay.

"Red na dos, kulay ng Love potaena nyang love na yan hayeop yan" at nagtawanan kame.

Nagtuloy tuloy ang laro.

"Yellow, as in Yelo parang puso ko kung nasaktan ako ng Grabe Grabe"

"Ace pano to plus 4?" Natatawang tanong ni Yuna

"Plus 4? Kase may apat akong boylet" natatawa kong sabe.

"Sino yung mga yun?" Seryosong tanong ni Kent. O andito papala to *hik*

"Si Jasper, si Raniel saka si Patrick" proud kong sabe. Di ko alam kung bakit ko nasabi yang mga yan e sakanilang tatlo si Jasper lang naman yung close saken. O baka kase may komunikasyon din sila saken, sila Patrick at Raniel.

"Tatlo lang yun Ace sino yung isa si Kent?" Natatawang tanong ni Denver.

"Si Kent?" At tumingin ako sakanya sakto ding nakatingin sya saken ng seryoso. Hinawakan ko ang pisngi nya. "Hindi si Kent, si Danjo" at nagtawanan kame habang naramdaman ko sa palad ko ang pag igting ng panga ni Kent.

Naglapag ako ng baraha na kakulay ng nilapag nila sumunod na tumira si Cloie. Ang takbo kase ay pakanan at nasa kanan ko si Cloie. Bali pagkatapos tumira ni Kent ay ako naman ang titira. Kent, Ako, Cloie ganon.

Nung turn na ni Kent naglapag sya ng baraha tinignan ko sya at tumingin sya saken.

"Reverse, para bumalik kana ulit saken"

Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now