10

668 15 4
                                    

May pa update si mayor !!!!!!!!!!!!!!!!


Ace POV


Imbis na nag-eenjoy ako heto ako bothered kay Kent pesteng lalake to' dagdag stress pa. Arrgghhh.


Sino bang may sabing problemahin mo sya ha Ace?


Ayoko man syang problemahin pero hello sinong hindi mabo-bothered sa taong yan walang kagana gana ang tamlay tamlay. Out of nowhere simula nung lapitan ako ng fans ko kuno naging ganyan na yan. E kanina nga ang lakas nya mang bwisit.


Bwisit ako sakanya kase ginigulo nya utak ko. 


"Tara roller coaster tayo" aya ni Denver.

"Mukhang masaya yan tara tara" pag sang ayon ni Yuna.

"Pass ako kayo muna" eksena ko na agad nakakuha ng samu't saring komento nila. 

Sorry naman kasalanan ko bang sobrang taas kase ng roller coaster plus ang lupit pa ng paikot ikot?

"KJ mo naman e" pag iinarte ni Athena. Tigilan nya ko.

"Ikaw ba Kent sasama ka?" tanong ni Grace

"Pass din muna ako" walang gana nyang sagot. See? ang tamlay nya.

"Pati ba naman ikaw brad?" tanong ni Bryle

"Madami na kase tayong nasakyan na rides hindi pa pwedeng mag pahinga ng saglit?" sagot ko. Okey bida bida ako don like di naman ako yung tinatanong tas ako sumagot.

-_-


"Sabihin nyo mag de-date lang ako" pang aalaska ni Cloie

"Yieeeeee"

"Kaya naman pala"

"Gustong mag solo" pang aasar nila. Mga baliw!

"Sya sya wag ng pilitin ang ayaw hayaan nyong mag solo yung dalawa. Yung mga sasama tara na" anyaya ni Denver na agad namang nagsunuran yung mga tukmol.


Hays, ang sakit nila sa ulo.


Tinititigan ko naman si Kent na ngayon ay busy sa panonood sa mga taong may kanya kanyang ginagawa.


Isa pa to, ang sakit din sa ulo nito e.


"Hey" bati ko at agad na umupo sa bakanteng space sa bench.

"Hey!" bati nya na hindi manlang lumilingon saken.

"What's the matter?" seryoso kong tanong.

"Matter is a substance that has inertia and occupies physical space." pilosopo nyang sagot.


Tignan mo tong gagong to.


"Pakagago mong animal ka" gigil kong sagot na ikinatawa nya naman.

"Ayan ba yung natutunan mo sa ibang bansa? ang magmura" wow? parang sobrang sorry?

"Tinatanong ka kasi ng maayos tas mamimilosopo ka, sa tingin mo hindi ba nakakagigil yon ha?" mataray kong wika.

Chase by the Dominant (COMPLETED) Where stories live. Discover now