||Tula #5||

133 11 0
                                    

5.22.18 (15 minutes)

>Buburahin ng aking isipan<

Kung ako'y mawawala
Iiyak ka ba?
Kung ako'y mawawala
Ako ba'y iyong kalilimutan?
Ibubulong na lang sa hangin

Paagusin sa dagat ng mga bituin
Kung bigla mang sumagi sa iyong isipan
Ang aking pangalan
Salamat, aking kaibigan
Dahil ako'y iyong dinala sa kahahantungan
Ng pag-asang aking naisin
Habang buhay na nararamdaman
Hindi ko matitiis na alisin
Ang bugso ng damdamin
"Kamusta" salitang-halimuyak para sayo, aking atip.
Ikaw ang aking tinuturing na silungan
Kapag walang daungan
Lilingon-lingon upang makakuha
Ng Isang sulyap, isang silip
Hanggang sa talikuran
Na nang tuluyan
Ang kalayaan
At hinayaan mo ang sarili
Na bumalik sa selda ng iyong
Pinanggalingan at nakasanayan

Tambal ng aliw
Na sasayaw-sayaw
Sa tuwing ako'y naninimdim
Bukang-liwayway
Na pagsintang walang maliw

Takipsilim
Ng pusong
Di-magtataksil
Hayaan mo na yakapin kita ng mahigpit
At pawiin ang mga luha sa iyong pisngi
Wala akong mga karanasan at payo na maaring ibahagi
Ngunit susubukan ko na baliktarin
Ang iyong simangot sa isang maaliwalas
Na ngiti
Matulungan ka sana nang kahit kaunti
Sa mga sugat mo na humahapdi

Ikaw ay aking hahawakan
Hinding-hindi ka bibitawan
Ikaw ay sasamahan
Na lakarin at tahakin ang landas
sa Dani ng mga lubak at lindol
Siguradong tayo'y madadapa rin
Ngunit huwag mong iisipin
Dahil anumang pagsubok , anumang mangyari, kahit kailan, kahit saan
Ikaw ang tanging iibigin.

Ikaw ay aking hahawakanHinding-hindi ka bibitawanIkaw ay sasamahan Na lakarin at tahakin ang landassa Dani ng mga lubak at lindol Siguradong tayo'y madadapa rinNgunit huwag mong iisipinDahil anumang pagsubok , anumang mangyari, kahit kailan, kahit...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon