||Tula #17||

25 6 2
                                    

"Katingting na Pag-asa:Wikang Filipino, wikang makatotoo"

Ihahandog ko sa inyo, ang nilikhang tula

Ang ibang taludtod ay walang sukat, walang tugma

Ngunit itoy purong nasa puso't diwa

Atin ng simulan, imprunto man ang haba

Kahahantungan ay makabuluhan at mayrooong marikit na pag-asa.

Makinig sa akin, aking tula'y tungkol sa patalim na kay lalim

Tayo'y, magbilang isa hanggang anim.

Isa dalawa tatlo

Salitang cano'y tuluyang yumabong,wika'y sinalin at binago

Wikang Filipino, umidlip at nagtago

Sa mga hiram na salita, nilalang ay naloloko

Tila dahas sa kasakiman na maihahalintulad sa kutsilyo ang nagpagulantang sa mga tao.

Sa mata at boses ng kamatayan

Kutsilyo'y nangingibabaw

Ang pag-iwa sa katotohanang dapat ay ating palawigin

Tuluyan ng pinalitan

Kulay asul at dilaw mong watawat, ang siyang sumisimbolo ng moralidad at karangalan

Mga Tradisyon, mga nakasanayang sayaw, at mga nakalumang litrato

Na ating binigyang-diin at teorya sa kasaysayan, naglaho

Nasaan na? Nawaldas ng kutsilyong kasing tirik at bagsik ng pagmamahal mo sa akin

Ang kutsilyong iyong itinurok sa tumitibok na puso ng wikang atin.

Isang bagay na siyang humalili at naging tahanan ng makabagong sistema,

Kabataan , lulong sa mga pamamaraang inihahandog ng Teknolohiyang sumisipsip sa ating panlasa.

Apat, lima, anim

Modernong lenggawahe, isang bagyong paparating

Rumagasa di-umano sa libo-libong talang nagniningning

Siyang lumipol sa mga nilalang nito't siya ring nagpa-ikot sa mundo.

Marahil sa wika o dialektong di nagpatibag sa pandinig ng mga tao

Tumatak sa mga ulo

Minsan matatawag nating tarantado, o dikaya'y pokpok sa kanto

K-POP o YG groups, Chinese drama's o Japanese anime's, Korean Unnies and Oppas, Thai-seryes at K-drama ating idagdag sa lista

Ang sumalubong sa masa

Kayo bay nangungulila't nagtataka?

Ang dulot nito'y walang iba kundi disgrasya

Kanta o himno nila'y maganda

Ngunit hindi naman nauunawaan ng pino ang wika

Wag niyo kong batikusin, wag niyo akong maliin

Pinagmamalaki ko't pinagtatanggol ang nalunod na 'atin'

Hindi ko sinasabing, kultura ng ibang bansa'y balewalain

'Di niyo ba kayang mahalin?

At tangkilikin ng husto ang sariling pinagmulan natin?

Wag niyo lang sanang abusuhin

Kung nakasusugat siguro ang ating binabaybay na wika

Kung ang mga salita nati'y tunay ngang nakakahiwa

Malamang, napakarami nang taong nakahandusay sa sahig

Duguan at walang malay, inaagnas sa panahong kay lamig.

Kustilyo, siyang bagay na naririyan upang ikulong tayo sa bangungot

May katingting na pag-asang nagnanais na damhin ang lungkot

Kahit man ito'y luhaan, at ating itinaboy nang minsan

Dahil sa lenggawaheng ating nakikita't natutunan

Ibig nito'y ang lamyos ng lambing

at ating ipagkaloob, natitirang puso natin.

May pag-asa pa. May pag-asa tayong lahat na baguhin ang nakasanayang gamitin

Gay lingo, at iba pang salitang pang-moderno ay huwag gahasain,

Bagkus, magpakatotoo ng ating magamit ang wikang ipinagkaloob ng maykapal sa ating lupang sinilangan

Marami mang pumatay sa wikang ating kinagisnan

May alam ang mga tao na palakasin at hilumin ang sugat na kinamulatan.

Sa huli, ating dalangin

Na sana'y ang mga dunong na ating natutunan ay maisapuso't maisabuhay upang ma-ibalik ang dating mga salitang kinitil ng makabagong sistemang nakapaloob sa atin.

Nawa'y magsilbing leksyon

Ang pangaral na ito

Maraming salamat po.

~wakas~


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon