||Tula #16||

28 7 0
                                    

April 29.2019 (9:55 pm)

"Kandila"

Itong aking tula ay alay sayo, o aking sinta

Sabay kinabisa, inisip mulang pagkabata

Hanggang sa ika'y nawala, mapantuksong tadhana

Ang lahat sa mundo'y sadyang nag-iiba

Ang puso ng isang tao ay tila batingaw

Ang matalim na sugat mula sa rimarim ng kaibuturan nito'y umaalingawngaw

O, giliw ko, huwag kang gagalaw

Nariyan si kupido't naliligaw

Babahagya ko nang sa ising ihip ng hangin mahagkan

Ang isang yakap na makapigil-hiningang nag-uunahan

Ngunit ang persepsyon ko'y nasa tiwarik ng bulag na katotohanan

Luha ang dumapo ng napagtanto kong ako'y nanaginip lang

Kung sadya ngang ang pag-ibig ay maihahalintulad sa isang kastilyo

Kung sadya ngang ang pag-ibig minsan baluktot, minsan di-maiwasto

Kadalasan naman, itong si kupido ay sinusugpo ng pagkasiphayo

Bakit sa mundo, tayo'y pinatagpo?

Ngunit kung ikaw nga ay nakatadhana

Sana sa simula pa lang, nagkamabutihan na

At ngayo'y nag-iisa, sa isang sulok walang kasama

Pinipigilan ang tila karayom na tumutusok sa nadarama

Niyakap ko ang madilim na bangungot na sumulasok sa buong katauhan ko

Patuloy sa kakarampot ng nadurog na puso

Sa bawat pagtara ko ng mga numero sa kalendaryo

Bakit, ikaw pa rin ang naiisip ko?

Bakit, ikaw pa rin ang naiisip ko?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon