||Tula #3||

181 13 0
                                    


Mahal.
Mahal kita.
Sana'y iyong madama ang ligayang aking kinikimkim tuwing nandirito ka

Mahal.
Sana'y nararamdaman mo ang lukso ng dugo kapag ikaw nanunudyo
Sana'y nararamdaman mong, ako'y nasa iyong paligid

Umaaligid at sa buong buhay ko ikaw lang ang bukam-bibig.

Mahal.
Maghihintay lang sayo.
Masakit mang isipin
At makita sa paningin

Na may mahal kang iba
Na May kinakasama ka na
Sa bawat Hindi mo sa aking gusto
Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako kahit wala akong karapatan na maging sayo.
At kailanman, alam Kong Hindi ako magiging sayo.
Dahil ano lang naman ako?

Basura na itinatapon-tapon.
Damit na pinapalitan
Pagkaing hindi kinakain
Taong, kahit hindi laruan ay pinaglalaruan
At nagmamahal sa taong Hindi naman ako kayang mahalin

kailangang tanggapin.
Na kahit andito lang ang presensya ko
Para lang naman akong hangin.
Sana'y dama mo na, sinisinta kita

Bakit paulit-ulit mong Ipinamumukha sa aking hanggang kaibigan lang?
Hindi pa ba sapat na andirito ako't nasa iyong tabi't umaasang ikaw ay bumalik
Bigyan ng isang halik.
Ngunit, bakit?
sakim, kariktan, gipit.

Karapatan kung umiyak at masaktan kahit na hindi naman tayo
Karapatan kung ibigay ang lahat, kahit wala ka namang naibibigay
At higit sa lahat,
Karapatan kong maging masaya kahit may kinakasama kang iba

Sinakmal ko ang lahat ng iyon para lang mapansin mo.
Wala bang kalinawan o kainaman ang mga pinanggagawa ko sa mundong ating ginagalawan?
Ang pagmamahal na aking idinudulog sa tuwing akin kang nakikita?

Rosas
Tsokalate.
Maging katawan ko'y idudulog ko na.

Masakit dahil hindi mo kayang hawakan at panindigan.
Mahal.
Mahal kita.
Kahit presensya mo lang ay okey na
Kahit ngiti mo lang, ay kinikiliti na.
At sana'y malaman mong umiibig ako
At sana'y mahalin mo
Ang tulad kong
Bula at malapit ng mawala.

At sana'y malaman mong umiibig akoAt sana'y mahalin moAng tulad kong Bula at malapit ng mawala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon