||Tula#11||

77 8 0
                                    

"Bagay"

Mga bagay na hindi kayang balikan
Ay mga bagay na nais sana nating subukan
Ang mga bagay na hindi na kayang limutin
Ay ibabaon na lang sa buwan

Sana ay masaya ka sa ginagalawan mong mundo
Kahit ako ay, hindi na.
Ang makita ka lang na masaya ay sapat na
Ang pag-ibig ko sayo'y tila bato.

Batong naka-alumpihit lamang sa hangin
Naghihintay na damhin
Ang lasap ng maragsang sakit
Dulot ng malamyang kahapon
At aking pinipilit
Na ibalik ang nakaraang tayo nakangiti
Mula sa kawalan

Ngunit.
Huwag kang mag-alala
Ako rin ay magiging masaya
Alay ko sayo ang grasya
Sa kulay ng ating buhagharing mala-pantasya.

Masaya ako na masaya ka sa piling ng ibang mas nararapat
Ang litratong iyan
Ay bumulusok sa aking durog na puso
Ngunit hindi ko hahayaang
ako'y malugmok mula sa bangungot na ibinigay sa akin
Dulot ng 'paglipas ng panahon'
Ako pa rin ay tatayo
Para sa pansaraling kaligayahan

Aabutin ko ang langit ng mag-isa
Tutuparin ko ang aking mga pangarap na lumipad
Tadhana, kahit saan mo man gusto akong mapadpad
ibabaon na lamang sa buwan ang mga bagay na mahirap
---limutin at balikan.

Aabutin ko ang langit ng mag-isaTutuparin ko ang aking mga pangarap na lumipadTadhana, kahit saan mo man gusto akong mapadpadibabaon na lamang sa buwan ang mga bagay na mahirap ---limutin at balikan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon