Page 2

30 6 0
                                    

"Depresyon"

I.
Tila hapong hapo sa maghapong pagpapanggap,
Nakangiti't masaya kapag kayo ang kaharap.
Nagbibiro't tumatawa sa harapan ng kamera,
Habang ang halimaw saki'y nilulugso ang kadena.

II.

Sa harap ng mga tao'y paulit-ulit lamang sa pag-ngiti,
Kahit pa ang lungkot ay patuloy sa akin mananatili,
Malalim ang iniisip kasabay ang mga butong hininga,
Sa pag-hinga ng malalim ay lubhang nahihirapan pa.

III.

Paano kung ito'y ipinakita ko, maniniwala ka ba?
Kapag ito'y sinabi ko, maiintindihan mo ba?
Sapagkat iparamdam ito sa iba ay kay hirap sabihin.
Baka lalo lamang mag-iba ang tingin ng tao sa akin.

IV.

Hindi masabing paghihirap ay aking naranasan,
Tuloy ay nagtataka, ba't ito ang naging kapalaran.
Ako'y wala bang karapatang maging masaya?
Kaya pagiging malaya, saki'y ipinagbawal na.

V.

Aking katinuan ay nabaon sa ikalaliman,
At tila ang katahimika'y wala nang lugar sa kaisipan.
Sa gabi'y hirap makatulog dala ng mga sitsit at ingay,
Bulungan sa dingding tila ba ako'y pinapatay.

VI.

Pigura sa bintana'y taimtim akong minamasdam.
Sa aking pananaliti, ako'y kaniyang nilapitan.
"Gusto mo bang lumaya? Ako'y may ipapakita sa iyo,
Sino ako? Ako 'yong halimaw sa selda mo."

VII.

Ako'y dali daling tumakbo patungo sa pintuan,
At napagtantong ang tinatakbuha'y wala nang katapusan.
Mga isipin at pagkaulok, sapat na bilang buod,
Dahil hindi mo na kaylangan ng tubig para lamang malunod.

VIII.

Sa silid na puno ng liwanag ay dilim ang naaaninag,
Ipagpatuloy na mabuhay pa sa kalooba'y labag.
Naguguluhan at paningi'y sa patalim napako,
Tangan-tangang kinasa sa pulsuhan tanda ng aking pagsuko.

-Denny Cole

Obscure AnthologyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin