Page 23

9 5 2
                                    

Sa classroom,

Habang wala ang aming guro ay soundtrip naman ang ganap sa buong klase.

Napagkatuwaan na naman nila ang TV na ginagamit lamang 'pag may klase.

/On track: Sila ng SUD/

*Matagal tagal di'ng nawalan ng gana..*

*Pinagmamasdan ang mga dumaraan..*

Bawat lapag ng liriko ay parang mensahe na galing mismo sa puso ko.

Ito ba 'yong sinasabi nila na relate ka sa kanta?

Ewan ko pero mas'yado akong nadadala sa himig nito.

/CHORUS PART:/

Sinabayan ko 'yong kanta,

*Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga..*

At hinanap ng paningin ko si Rey.

Gusto kong kantahin iyon habang minamasdan siya.

*Walang papantay sayo..*

Ngunit biglang nahagip ng paningin ko si Ron..

*Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga..*

Nakatingin siya sa akin habang sumasabay din sa kanta.

Ang mga tingin niya ay tila may ibig iparating..

Mga katagang pa-kanta niya'ng inihahayag.

*Walang papantay sayo..*

Iniiwas ko ang tingin ko kay Ron at saktong nadapo naman ang paningin ko kay Rey..

Na kasalukuyang nakadukdok sa arm chair ng upuan niya at natutulog.

*Maging sino man sila.*

Obscure AnthologyWhere stories live. Discover now