Page 14

14 5 0
                                    

"Sining ng Pagbitiw"

I.

Sumulat at gumuhit ng tungkol sayo ang hilig ko,
Ngunit ang mapansin mo, doon ako nabigo.
Ang magmahal ka ng iba ay sobrang sakit isipin,
Kaya ang gumihit muli, ay napakahirap nang gawin.

II.

Nakilala kita sa mundong hindi ko inaakala,
Ang mahalin ka ng lubos ay hindi ko sinasadya.
Lumalim ang damdamin at tuluyan nang nalunod,
Hindi na 'ko makaahon at sobra na 'kong napapagod.

III.

Sinubukang gumuhit muli ngunit hindi ko magawa,
Pagkat ang buong pagkatao ko ay hindi na makawala.
Nakikiusap at nagsusumamo, sana ako na lang,
Ipinapangako kong sayo ay hindi ako magkukulang.

IV.

Nagawa ko na ang lahat, ultimo ang sumugal,
Subalit ito'y walang silbi, kung siya ang iyong mahal
Bibitawan na kita 'pagkat ako lang naman ang umaasa
Salamat pa rin sayo kahit sa dulo ay hindi ako naging masaya.

-Denny Cole

Obscure AnthologyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum