Page 22

10 6 0
                                    

Sinubukan kong alisin ang aking pinaka-iingatang maskara,

Nilisan ko ang aking selda't nagdesisyong magpakalayo layo pansamantala,

Hinanap ko ang tunay na ako pero ako ay nabigo.

Napagod ako at inisip na lamang na sumuko.

Ngunit napagtanto kong hindi lang pala mata ang puwede kong gamitin para mahanap kung sino nga ba talaga ako.

At lalong hindi ko na kailangan na pa hanapin ito.

Dahil Siya na ang gumawa ng paraan upang ako ay matagpuan,

Sa mala-impyernong buhay na binabalot ng kadiliman.

Paulit ulit na ako ay Kaniyang pinapatawad sa aking mga pagkakasala.

Walang sawa Niyang ibinibigay sa akin ang Kaniyang pagpapala.

Patuloy akong binibigyan ng pagmamahal na may pananabik,

Dahil tanging nais lamang Niya ay ang aking pagbabalik.

Sa tagpong 'yon,

Ako ay hindi na muling maliligaw pa magpakaylanman.

Dahil sa unang pagkakatao'y dumampi na nang tuluyan sa aking mga labi ang Kaniyang ngalan.

“..Diyos ko.”

Lost and Found
Aug. 2018

Obscure AnthologyWhere stories live. Discover now