"Magulang"
I.
Sila ang mga taong palagi mong maaasahan
Lalo na sa panahong hindi mo inaasahan
Dahil ikaw ang tanging kaligayahan nila
Tuwa ay mababakasan sa kanilang mga mataII.
Hindi sinasadyang sila ay iyong inaway
At tila napapadalas na ang iyong pagsuway
"Anong nangyari?" Wika ng iyong ama
Luha'y bakas naman sa mga mata ng iyong inaIII.
Hindi nagtagal tila ikaw ay nagbago
Magulang mo sayo ay labis na naninibago
Hindi ka na nila makausap pa ng matino
Napakamainitin pa mas'yado ng iyong uloIV.
Sa kabila ng lahat sila ay nandyan pa
Naghihintay sakaling kailanganin mo man sila
Iba kasi kung magmahal ang magulang
Labis labis ngunit hinding hindi magkukulang-Denny Cole
YOU ARE READING
Obscure Anthology
RandomA book of Inscribed English and Tagalog equivocal poems, ballad, one-liners, flash fiction stories, free verse, and sonnets.