"Mga Mata"
I.
Ako'y unti-unting nang bumabagsak
Kadiliman ay binabalot ang liwanag
Pagsabog ng mga letra sa ikalaliman
Tubig at sakit ang aking lulan-lulanII.
Ako ay lumabo at tuluyang bumigay
Kweba ng saloobin ay lumikha ng ingay
Alulong mula dito ay napuno ng sakit
Labis na nagdurusa sa lungkot at pasakitIII.
Lahat ng aspeto sa buhay ay aking nasisilayan
At hindi kabilang dito ang labis na kasiyahan
Saan man mapadpad, ako'y parating bigo
'Di makita ang ligaya pagkat ako'y malabo.-Denny Cole
YOU ARE READING
Obscure Anthology
RandomA book of Inscribed English and Tagalog equivocal poems, ballad, one-liners, flash fiction stories, free verse, and sonnets.