Page 24

4 1 0
                                    

"Bakit ba palagi ka na lang sumusugal pagdating sa pag-ibig?" tanong ni Daniella habang tinitipa ang keyboard ng laptop niya.

Abala sila sa mga kaniya-kaniya nilang buhay,

Ngunit ito sila, kasama ko't sinasamahan ako sa aking mga pasanin.

"Oo nga. Sang-ayon ako sa kaniya. Why won't you just let that feeling go and move on? Like duh, hindi ka naman niya mahal, bakit nagpapaka-martyr ka pa para lang mapansin-Aw! Ano ba, Daniella? Ang sakit no'n!"

Natawa ako nang sipain siya ni Daniella sa kaniyang likuran.

Sa kabilang banda, ay napaisip ako sa sinabing iyon ni Genniela.

Well, gano'n na talaga siya,

Prangka, dere-deretso magsalita at walang tabas ang dila.

Sasabihin niya kung ano ang nasa isip niya basta't alam niya na tama ang mga 'yon.

Tinitigan ko siya,

Katatapos lang niyang mag-review para sa pagsusulit niya kinabukasan.

Ngayo'y abala naman siya sa pag-babasa ng librong ako mismo ang sumulat.

"Dahil natatakot ako.." Sa wakas ay nahanap ko na ang tamang salita.

Natigil sila sa kanilang ginagawa at hinintay akong ituloy ang ibig kong sabibin.

"Natatakot na baka hindi ko na muli pang maramdaman ang ganitong pakiramdam." Ngumiti ako't sinulyapan ang langit na natatanawan ko sa bintana ng kwarto ko.

Maaliwalas ito hindi tulad kahapon na halos sakupin ng maitim na ulap ang buong kalangitan.

"Who knows if I only have one shot in my lifetime to feel this way?" Napangisi ako sa sinabi.

You know? Life is short.

"S'yempre hindi lang naman sakit ang nararamdaman mo once na magmahal ka." Naalala ko bigla si Archie..

Ano ba'ng ginawa ng lalaking 'yon para mahalin ko siya ng ganito?

Natawa ako sa naisip.

"There is also joy in it. And even though it is freaking painful, I still want to feel the joy."

'Yong saya sa tuwing nakakausap ko siya.

Kahit na alam kong wala naman akong k'wentang kausap, still, masaya pa rin ako dahil sa kaniya.

"At wala na akong pakialam pa sa kahit ano mang sakit na nakakakabit doon."

Mahal ko siya,

At bukod do'n ay wala na akong iisipin pang iba.


-End

One-shot in a lifetime
© by Denny Cole

Obscure AnthologyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang