PROLOGUE

22.9K 245 0
                                    

"ISA PA ngang Vodka Cruiser!"

Pangatlong bote na ni Colette ang kasalukuyang tinutungga niya at naaambaan nang maubos niya iyon. Hindi pa rin siya papigil sa pag-inom kahit na medyo dumodoble na ang paningin niya sa bartender. Sige pa rin siya sa paglaklak hanggang sa mawala ang matinding sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso. Kahit na alam niyang panandalian lamang mapapawi ng paglalasing ang sakit na nadarama niya.

"Tama na 'yan, Colette. Ginagawa mo nang juice ang alak." puna sa kanya ng kaibigan niyang si Elise.

"Hayaan mo na ako, friend... Paminsan-minsan lang naman, eh..." humagikhik siya. Nangingiti at natatawa siya kahit na hindi naman nakakatuwa ang pinagsasasabi niya. Epekto na rin siguro ng ininom niya. "Cheers!" Inilapit niya ang baso sa pagmumukha nito na kung hindi niya natantsa ay napang-facial scrub niya malamang dito iyon.

"'Cheers' ka d'yan. At bakit? May rason ba para mag-celebrate tayo at magpakasaya? Kilala kang kuripot 'no. Hindi ka basta-basta nagyayayang uminom, unless..." mapanuring tinitigan siya ng kaibigan at napailing na lang nang umiwas siya rito ng tingin. "Aminin mo na kasi... may problema ka ano?"

Tumahimik siya bilang tugon at uminom uli ng alak. Sumasakit ang kanyang mga mata sa pagpipigil niyang mapaiyak.

Don't you dare cry Colette! Pagpipigil niya sa sariling umiyak.

Ayaw na ayaw talaga niyang magpakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao—kaibigan man o hindi. Kaya nga madalas niyang kinikimkim ang kanyang mga problema. And her friends knew that side of her damn well.

"Hay naku, Colette. Hindi na ako magtataka kung balang araw ay bigla ka na lang atakihin sa puso."

She sighed. Inisang lagok niya ang natitirang inumin at hinarap ito. "Hindi pa talaga ako handang magkuwento ngayon, El." gumaralgal ang kanyang boses at nagbabantang tumulo ang kanyang mga luha.

Tila naunawaan nito ang kanyang sinabi at bigla na lang siya nitong yinakap. Pagkatapos nang ilang segundo ay hinarap uli siya nito. "Basta kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako."

Alam niyang medyo may ideya na ito kung ano talaga ang kanyang problema. Nagpapasalamat na lang siyang hindi na ito nagpumilit pa. "Thanks."

"Since nandito na rin lang tayo..." kumislap ang mga mata nito at pinagalaw-galaw pa ang mga kilay habang binibitin pa ang sasabihin, "Hanap na lang tayo ng panibagong fafa. Mga probable prospect." Kinindatan pa siya nito at nagpalinga-linga na sa paligid.

Sinasabi na nga ba. Napapangiting itinirik na lang niya ang kanyang mga mata.

Basta lalaki ang pinag-uusapan ay garapal talaga ang kaibigan niya. Lalung-lalo na sa mga guwapo. Hindi naman dahil sa walang lumalapit dito kaya ito ganoon. Marami rin namang nanliligaw sa kaibigan niya, sobrang pihikan nga lang kagaya niya. Parati lang nitong rinarason na "Men are God's gift to women and likewise. O di lulubus-lubosin ko na ang pag-e-enjoy sa gift ni God para masaya."

"Ewan ko sa 'yo, friend. Ever suwapang ka talaga sa lalaki, as if naman mauubusan ka 'no!" Natatawang pinagmasdan niya ito habang naghahanap ito ng malalapa—este, makakausap. Kahit paano ay gumagaan na ang pakiramdam niya dahil sa kaibigan. "Restroom lang ako El, uwi na lang tayo pagkatapos. Medyo umiikot na rin ang paningin ko."

Pangako niya sa sarili na ito na ang huling gabi na magpapakalasing siya dahil sa kabiguan niya. She swears that she'll move on, one step at a time.

Sumama kaya ako sa susunod na boy-hunting trip ni El?

Liningon niya ang kaibigan. Nakita niyang gumagala na ang mga mata nito at naghahanap na ng panibagong prospect. Kawawang nilalang.

Gumagana na ang radar ng bruha. Napapailing na tinahak niya ang daan patungo sa restroom.

KANINA pa naririndi si Jared sa pagri-ring ng cell phone niya. Alam na alam na niya kung sino ang tumatawag sa kanya. Hindi na siya nagdalawang-isip na patayin ang aparato dahil mukhang magkaka-migraine na siya sa ingay n'on.

Kadarating niya pa lang galing ng Florida at binabalak niya sanang dito na tumira sa Pilipinas para mabawasan ang stressful lifestyle niya at lumayo na rin sa mga nagpapa-stress sa kanya. Isa pa ay missed na missed na rin niya ang bansang sinilangan.

And speaking of stressors... Ang numero unong nagpapasakit ng ulo niya ay bigla na namang nagparamdam sa kanya.

Hindi niya alam kung paano nalaman ng ex-girlfriend niya ang bagong numero niya pero parang may de satellite yata ito at nalaman nito iyon.

Ito ang isa sa mga major reasons kung bakit naisipan niyang pumunta sa Pilipinas. Sobrang obssessed na kasi ito. Kung meron pang terminong mas nakakahigit pa sa salitang "sakal" ay iyon na siguro ang pang-describe niya sa ginagawa nito sa kanya. Lahat ng mga babaeng lumalapit sa kanya ay pinagseselosan nito at kung minsan ay nagiging bayolente pa ito. Ultimo pamilya niya ay pinagseselosan nito, specifically ang Mama at nakababatang kapatid niyang babae!

Hindi niya alam kung bakit pa niya pinatulan ito. Siguro dahil sa maamong mukha nito.

Napangiwi siya. Looks surely could be deceiving. Now he experienced it firsthand.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga.Kung natunton nga siya ni Kelly siguradong sakit ng ulo na naman ang dala nito. 

The Brave Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now