CHAPTER NINE

9K 142 0
                                    

"I'M REALLY sorry baby, something came up and I can't come," paghingi nito ng tawad sa kanya dahil hindi ito makakarating sa date nila.

"It's okay, baby. It must be really important. Ingat ka na lang. I love you." sagot niya rito kahit na naghintay na siya ng mahigit isang oras.

"I love you too, baby. Bye."

Sayang naman ang pagpapaganda ko. Hay naku... nanlulumong isip niya. Grabe pa naman ang effort niya para sa date nilang iyon.

May dinner date sana sila ni Jared sa isang sikat na fine dining restaurant at nagsuot pa man din siya ng bagong bili niyang black halter dress.

Ininom niya ang complementary wine sa baso niya na kanina pa sinasalinan ng waiter. Gutom na talaga siya dahil hindi pa siya nananghalian.

Wala na siyang pakialam kung ano ang iisipin ng mga tao. Hindi na siya umalis ng restaurant at um-order na lang doon. Magpapakabusog na lang siya kaysa umuwi sa bahay niya na gutom.

NAPABUGA ng hangin si Colette habang nakapangalumbaba sa may kitchen counter.

"Ano ka ba naman, Colette. Kanina ka pa buga ng buga ng hangin! Daig mo pa ang chain smoker!" nakakunot-noong saad ni Elise na nakaupo sa may dining table katabi ni Jaeda.

"Kasi naman... two weeks..." napabuga uli siya ng hangin, "Two weeks nang hindi nagpaparamdam si Jared..."

Nagkatinginan sina Elise at Jaeda. Nakaupo ang mga ito sa may dining table habang nakatanaw sa kanya. Biglaan siyang nilusob ng mga ito sa kanyang unit nang hindi siya nakapasok ng araw na iyon. Sina Aika at Freya ay kapwa may ginagawa kaya ang mga ito lang ang nakabisita sa kanya.

"Baka busy lang 'yong tao sa trabaho." pampalubag-loob ni Elise sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko wala naman silang hawak na big projects ngayon kaya maluwag ang schedule nila. Si Ziggy nga parating kinukuli—ow!" siniko ito ni Elise para tumahimik.

"On second thought, mukhang busy nga ang mga iyon sa firm." bawi nito nang tingnan ito ng matalim ni Elise.

Napabuntong-hininga siya. Alam niyang hindi totoo iyon. Tama ang unang sinabi nito na kasalukuyang walang malaking proyekto ang 5xB. Alam din niya ang tungkol sa mga pinagkakaabalahan ng mga may-ari n'on. Sina Jorick at Rieley ay kanya-kanya ang trip—mapababae man o adventure trip. Si Ziggy ay 'nanliligaw' kay Freya. Si Caleb, as usual, workaholic pa rin. Pero si Jared hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan nito.

Tuwing tatawagan niya ito ay sinasabi nitong busy raw ito. Kung tatanungin niya kung ano ang pinagkakaabalahan nito, sasabihin nito na may trabaho sa firm. Kung minsan nararamdaman niyang ayaw na nito sa kanya kaya ganoon na lang ang pag-iwas nito sa kanya.

"Sabi kasi sa 'yo Cole, i-stalk mo na lang para hindi ka na mag-worry diyan," suhestiyon ni Jaeda.

"Stalk? Hello! Nahawa ka na ba kay Aika at pumasok iyan sa utak mo?" nanlaki ang mga mata ni Elise sa sinabi nito tapos ay bumaling sa kanya. "Kung ako sa iyo, Cole, komprontahin mo na lang siya at para matahimik ka na."

Napaisip siya. May punto nga naman ito. Kaysa magmukmok siya ay kokomprontahin niya na lang ito nang harapan. Kahit na maging masama ang kalabasan niyon. At least hindi na siya magmumukhang tanga.

"Tama kayo. Dapat nga kaming mag-usap." pinatatag niya ang kanyang sarili.

"Mabuti at natauhan ka rin," sabi ni Elise sabay tayo sa pagkakaupo. "And since our work here is done, aalis na kami."

Tinanguan niya ang mga ito. "Salamat sa free counseling."

Inihatid niya ang mga ito sa pinto. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumunog ang doorbell.

The Brave Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now