CHAPTER TEN

10.1K 150 1
                                    

NASILAW si Colette sa ilaw na nagmumula sa lightbulb sa uluhan niya. Tinangka niyang takpan ang mga mata ngunit nakatali ang mga iyon. May busal din ang kanyang bibig kaya hindi siya makahingi ng saklolo.

Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Mukhang bodega ang pinagdalhan sa kanya ngunit wala nga lang masyadong mga gamit maliban sa isang full-length mirror sa isang gilid.

Biglang bumukas ang pinto. Nakita niyang may mga papalapit na mga anino sa kanya.

Nang makalapit nang husto sa liwanag ay nakita niya si Kelly na todo-ngiti sa kanya.

Nagpumiglas siya at tiningnan niya ito ng masama. Kung hindi lang nakatali ang mga kamay niya ay malamang na kanina pa ito nakahalik sa lupa!

"What did I tell you before?" biglang naging seryoso ang mukha nito at unti-unting lumabas ang mga pangil nito. "Hindi pa tayo tapos! Hinding-hindi mapupunta sa 'yo si Jared dahil akin lang siya! Akin!" nandidilat ang mga mata nito habang dinuduro siya nito sa noo.

"Kung nakinig ka na lang sana sa mga banta ko sa 'yo at linayuan si Jared, wala ka sana ngayon dito." pumalatak ito.

Nang sumenyas ito sa isang lalaki, naramdaman na lang niyang naliligo na siya sa maruming tubig. "Now look at how pathetic you are. I'll definitely make sure that you suffer." tumawa ito ng tawa na animo kontrabida sa pelikula at saka lumabas na ng kuwarto.

Pagkasara ng pinto ay pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. Walang mangyayari kung mapapatangay siya sa galit at takot.

Pinilit niyang kalagan ang pagkakatali sa kamay niya. Naghanap siya ng puwede niyang magamit.

Napansin niya ang full-length mirror sa gilid ng kuwarto. Kung mababasag niya lamang ito ay magagamit niya siguro ang basag na salamin para ipangputol sa tali.

Naku naman Colette, ba't ba kung hindi ka naaagawan ng boyfriend doon ka naman sa may super obsessive na ex!

Napailing siya sa naisip. Di hamak naman na mas mahal niya si Jared kompara kay Vincent. Mabilis nga siyang nakapag-move-on sa huli. At kung hindi niya lang sobrang mahal si Jared ay noon unang beses pa lang siyang pinagbantaan ni Kelly ay siguradong lumayo na siya sa binata.

Sinubukan niyang ilipat ang nakataling mga kamay sa kanyang harapan. Pinadaan niya ang mga iyon sa kanyang mga paa papunta sa kanyang harapan.

Binuhat niya ang upuan na gawa sa kahoy at inihagis iyon sa salamin na nabasag nang matamaan.

Dali-dali niyang pinutol ang kinuha ang basag na piraso ng salamin at tinangkang putulin ang tali. Ngunit sa pelikula lang siguro effective ang mga ganoon dahil nagkandasugat na siya and everything hindi pa rin niya maputol-putol ang lintik na tali!

Ibinato niya ang piraso ng salamin at mabilis na tinungo ang pintuan dahil baka anumang oras ay maabutan pa siya roon dahil sa ingay na nalikha niya. Ngunit hindi rin naman niya mabuksan ang pinto dahil naka-lock iyon!

Pinakiramdaman niya ang kabilang panig ng pinto. May narinig siyang mga yabag. Agad na naghanap siya ng mapagtataguan ngunit wala siyang mahanap.

Dali-dali niyang kinuha ang isang baling paa ng upuan at pumuwesto sa tabi ng pinto.

Nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang kaba. Narinig niya ang mahinang pagbukas ng pinto. Pikit-matang sinugod niya ang papasok sa silid nang nasangga nito iyon. She felt that this was her end.

Lord, sana makita ko man lang si Jared bago ako mamatay. piping dasal niya habang pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso.

"Thank God you're alright!"

The Brave Damsel (published/unedited)Onde histórias criam vida. Descubra agora