CHAPTER EIGHT

8.8K 150 0
                                    

Pakiramdam ni Colette ay nakainom siya ng ilang galong lead kaya ganoon na lang kabigat ang kanyang pakiramdam.

Ilang beses din niyang pinalangin na sana mag-black-out para hindi na umusad pa ang elevator na sinasakyan nila. Pero mukhang nagbibingi-bingihan si Lord.

Kanina pa rin tahimik si Jared sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung ikakapanatag niya iyon o ikakakaba.

Biglang tumigil ang elevator sa seventh floor—her unit's floor.

Napalunok siya. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng mga taong bibitayin. OA man sabihin ang kanyang nararamdaman, eh sa wala siyang magagawa dahil ganoon talaga.

Kinalma niya ang kanyang sarili nang makapasok na sila sa kanyang unit.

"Coffee?" pilit niyang pinasigla ang kanyang boses.

Tango at ngiti lang ang itinugon nito sa kanya.

Isinalang niya ang coffeemaker. Kumuha siya ng dalawang mug sa cupboard. Habang nagtitimpla ng kape ay panay ang buntong-hininga niya. Pero kahit na anong buntong-hininga niya ay hindi pa rin maalis-alis ang bigat ng nararamdaman niya.

Pagpihit niya papuntang sala ay napatili siya. Nasa likod na niya si Jared. Mabuti na lang at nasalo nito ang mga mugs bago pa sila maligo sa kape.

"Ginulat mo 'ko."

"Sorry. Baka kasi nakatulog ka na sa kusina."

Pabirong inirapan na lamang niya ito.

"Colette..."

Uh-oh... magsisimula na ba?

"I have to tell you something..." inilapag nito ang dalawang mug sa kitchen counter. Matamang tinitigan siya nito sa kanyang mga mata.

Nahigit niya ang kanyang hininga habang hinihintay ang mga sasabihin nito. At nang magsimula itong magsalita ay dumoble ang pintig ng kanyang puso. "The truth is I really don't have the need for a pretend girlfriend..."

Ouch! Masakit pa rin palang marinig ng personal kahit na ine-expect mo na ang sasabihin.

"I just asked you to be my pretend girlfriend just to get close to you."

Ano raw?

"You see, the first time I met you, I kind of find you interesting." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Sana lang ay hindi nito mapansin ang panginginig ng mga iyon.

"Then I want to know you more and since I've done you a favor the first time we met... I kind of used it to my advantage," patuloy nito na hindi inaalis-alis ang tingin sa kanya.

"I asked you to be my fake girlfriend so in a way no other guy could come close to you," napakamot ito ng ulo while giving her a sheepish grin. "I know what I did was silly, selfish, and far from the norm but..."

But what? Hindi niya napigilang ma-excite habang nakikinig sa mga pinagsasasabi nito. Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang mga sasabihin pa nito.

"But I want to formally ask you to be my girl," pinisil nito ang kanyang kamay, "and this time, it's for real."

Nanatili siyang nakatitig dito habang nakaawang ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwal sa nangyayari. She was even thinking opposite of what's happening now!

Mukhang medyo naalarma na ito nang hindi pa rin siya sumasagot. Pero bago pa ito makapagsalita muli ay inunahan na niya ito.

"Yes! Yes! Yes!" mabilis niyang pahayag. Ngunit nang mahimigan niyang tila atat siya ay tumikhim siya. "I mean... sure, why not."

The Brave Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now