CHAPTER SIX

9.2K 155 0
                                    

NAPALINGON si Colette sa kanyang likuran. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya. Nang walang makita ay binale-wala na lang niya iyon. Malamang ay nagiging hyperactive lang ang kanyang imagination.

Naglakad siya sa gitna ng parking lot. Walang katao-tao sa paligid kaya minadali na niya ang kanyang paglalakad. Nang maabot ang kanyang puting Kia Rio parang gusto niyang maghuramintado sa nadatnan.

Ang apat na gulong ng kanyang pinakamamahal na sasakyan ay flat lahat at pinaliguan rin ng pulang pinta ang buong sasakyan!

"Who the hell?" nagpalinga-linga siya sa paligid hinahanap ang salarin. Walang katao-tao roon maliban sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata na para bang panaginip lamang ang lahat.

Nanggigigil talaga siya sa salarin. Kung mahuhuli niya lamang ito ay siguradong tatadtarin niya ito ng pinung-pino!

"Cole?" napakislot siya sa biglang nagsalita sa kanyang likuran. Nalingunan niya si Jared na nakakunot-noo habang nakatingin sa kanyang pobreng sasakyan.

"What happened?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Are you hurt?" Hinawakan nito ang mga balikat niya at pinaikot siya habang sinisipat siyang mabuti nito.

Galit na galit talaga siya pero parang hindi naman siya makapagsalita. Nag-init ang kanyang mga mata. Naiiyak na siya sa sobrang galit.

Naramdaman na lamang niyang may yumayakap sa kanya. Nagpatianod na lang siya sa yakap na iyon at gumanti ng sing higpit na yakap. Parang doon lang siya maaaring kumuha ng lakas.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Para sasabog ang kanyang pakiramdam. Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Jared at sumandal sa dibdib nito. Nang mga oras na iyon ay nagpapasalamat siya na naroon ang binata kung wala ay hindi niya alam ang kanyang gagawin.

Nang mahimasmasan siya ay sinubukan niyang kumalas dito pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Just a few more minutes," bulong nito sa kanyang ulo.

Hindi na siya nag-isip. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya ine-enjoy ang yakap nito. Sumandal siya sa dibdib nito at ipinikit ang kanyang mga mata.

Nasasamyo niya ang mabangong pabango nito kahalo ang natural nitong amoy. Parang nag-a-aroma therapy siya at unti-unti siyang nare-relax. Nakalma na siya nang tuluyan.

"May kilala akong taong puwedeng umayos nitong sasakyan mo. I'll call him up to fix your car," anito na nakayuko sa kanya. "Don't worry everything's gonna be okay." Yinakap siya muli nito na para bang bata siya na pinoprotektahan sa kasamaan sa mundo.

"Thank you. 'Buti na lang at nandito ka."

He chuckled. "Anything for my baby," tinapik-tapik nito ang kanyang ulo na parang bata.

Napabuntong-hininga siya. Kakaiba talaga ang lalaking ito. Mga simpleng banat lamang nito ay nayayanig na ang kanyang sistema. Kung minsan tuloy nakakalimutan niyang nagpapanggap lamang silang dalawa.

Bumitiw na siya sa pagkakayakap. "Paano mo nga pala nalamang nandito ako? Ang lakas naman 'ata ng spider sense mo."

Naglalakad na sila papunta sa kotse nito nang pukulan siya nito ng isang ngiti. "Sinabi sa akin ng guard na kabababa mo lang kaya pinuntahan agad kita rito para yayain ka sana na sa akin ka na lang sumabay."

"Mukhang wala naman akong choice 'di ba?" tumingin siya sa mga mata nito. "'Buti na lang pala sideline mo na ang maging knight-in-shining-armor at always to the rescue ka."

"Yeah... and I'm kind of liking you being my damsel in distress..." Naging seryoso ang mukha nito pagkasabi noon. Nailang siya sa titig nito kaya inilihis na lang niya ang kanyang tingin.

The Brave Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now