CHAPTER THREE

12.1K 179 0
                                    

KANINA pa may dumo-doorbell sa pinto kaya kahit pagod na pagod ay pinagbuksan iyon ni Colette.

Nagulat siya nang makita ang kaibigan at katrabaho sa FirmAd na si Yvette. Maputla ito at namumugto ang mga mata na tila may malaking problemang pasan.

Pinatuloy niya ito sa loob ng unit niya at inalok ng maiinom.

Mukhang nagdadalawang-isip pa ito kung paano sisimulan ang sasabihin dahil nakayuko lamang ito at tahinik.

"Ano ba ang problema, Yvette?" simula niya.

"Uhm... ano kasi... uhm..."

Napakunot ang noo niya. "Ano ba kasi 'yon?"

"C-Cole, I'm so s-sorry..."

"Sorry saan?"

Sandali itong natahimik bago muling nagpatuloy. "Buntis ako Cole... at si... si V-Vince ang ama..."

Nakamaang lamang siyang rito. Mukhang matagal bago mai-process ng utak niya ang sinabi nito. O baka naman mali lang siya ng dinig?

"A-ano'ng sinabi mo?"

"Nabuntis ako ni Vince, Cole..." yumuko ito at nagsimulang humikbi. "I-I'm so s-sorry... K-kung gusto mo sampalin mo ako, bugbugin, sabunutan, kahit ano Cole p-para kahit papaano ay mapatawad mo ako..."

Hindi siya makaimik. Ilang sandali siyang tulala habang pinoproseso ang mga sinabi nito hanggang sa mamalayan niyang may mga salitang namutawi sa mga labi niya.

"A-alam na ba ni Vince ang tungkol diyan?"

Umiling ito.

Napabuntong-hininga siya. "Masama sa buntis ang stressed. Ang mabuti pa magpahinga ka na at kakausapin ko si Vince bukas na bukas din."

Bahagyang nagliwanag ang mukha nito ngunit agad din iyon napalitan ng guilt kaya muli itong napayuko. "I-I'm really s-sorry Cole, h-hindi ko gustong masaktan ka pero mahal ko si Vince..."

"Hindi ako bayolenteng tao Yvette pero hindi ibig sabihin n'on ay napatawad ko na kayo. Mukhang sa ngayon hindi ko pa makapa sa sarili ko ang patawarin kayong dalawa sa ginawa niyong pagtataksil sa akin..."

Marahan itong tumango habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha nito. Pagkalipas ng ilang saglit ay umalis na ito.

Nanghina ang kanyang mga tuhod pagkasara nito ng pinto. Napaupo siya sa sofa at tulalang nakatitig lang sa dingding.

Bakit pakiramdam niya ay parang napaka-martyr ng dating niya? Hindi man lang siya nagwala o naging bayolente nang isiwalat nito ang pagtataksil nito at nang nobyo niya. Bakit parang wala lang siyang maramdaman? Parang namanhid lang ang buong pagkatao niya.

Mayamaya ay namalayan niya ang pagtulo ng luha niya sa kanyang kanang pisngi. Pinahid niya iyon. Napatingin siya sa kamay na basa ng luha. Tila hudyat iyon kaya sunod-sunod na nagsituluan ang mga luha niya.

Unti-unti na niyang nararamdaman ang sakit sa kanyang puso. Sakit na parang pinipiga ang kanyang puso at naninikip ang kanyang dibdib.Pakiramdam niya ay nalulunod siya.

Paano nagawa sa kanya nina Vince at Yvette iyon? Sila na pinagkakatiwalaan niya. Buong gabi siyang umiyak lang nang umiyak.

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang nakaraan.

The Brave Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon