EPILOGUE

12.5K 277 22
                                    

"CONGRATULATIONS!" sabay-sabay na bati kay Colette ng mga kaibigan.

Napangiti siya. "Thank you, 'wag niyong kalimutan 'yung gift namin ha?"

"Sure, ilang box ba ng condom ang gusto mong regalo?" tanong ni Aika na may pilyang ngiti sa mga labi.

"Gaga! Umandar na naman ang pagkamanyak mo!" natatawang hinampas niya ito sa balikat.

"Eh, kailangan niyo rin naman iyan ni Jared in the future ah," nakalabing saad nito.

"Hay naku, Ai, tigilan mo na si Colette. Mayaman naman si Jared so kayang-kaya na niyang bumili ng supplies nila ni Colette 'pag nakasal na sila," dagdag na biro ni Elise.

"Ba't ba ang beberde ng isip niyo at 'yan ang naging topic?" napapalatak na saad ni Freya na prenteng nakaupo sa sofa niya at sumisipsip sa straw ng inumin nito.

"Kuu... wala namang masama sa sinabi namin ah... Eh di kung ayaw mo ng topic namin ikaw na lang at si Ziggy ang pag-usapan natin." nakakalokong ngumiti si Aika na halatang tinutukso si Freya.

Biglang nasamid sa iniinom na juice si Freya at ilang beses muna itong umubo bago nakapagsalita. "Bakit naman napunta sa akin ang usapan, eh si Colette ang ikakasal dito?" Mukhang nakabawi na ito ng composure dahil naka-formal mode na ito.

"Oh come on, Frey, obvious naman ang something sa inyo ni Ziggy eh," singit ni Jaeda na pinipigilang mapabunghalit ng tawa.

Hindi na rin niya napigilang makisali dahil aaminin niya pati siya ay nacu-curious din sa development ng dalawa. "Aminin mo na kasi Frey, ano na ba ang lagay ni Ziggy diyan sa puso mo?" nakangising tanong niya rito.

Biglang tumunog ang doorbell bago pa ito makasagot.

Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nabungaran niya si Jared na may dalang isang dosenang lilies. "Hi there, gorgeous."

Isang malapad na ngiti ang agad na sumilay sa kanyang mga labi. "Hi, handsome," she wrapped her arms around his neck to bring him closer. Hindi nagtagal ay yumuko rin ito upang halikan siya.

"Would you two get a room?" sigaw ni Freya mula sa living room kung saan natatanaw sila nito.

"Huwag ka nang magselos Frey, nandito na ako," biglang pumasok si Ziggy na hindi niya namalayang nasa tabi pala ng kasintahan.

Inirapan ito ni Freya. Tumayo ito at naglakad na palabas ng unit niya. "Kung ikaw rin lang, huwag na. Tatalon na lang ako sa bangin."

"Oh Freya, saan ka pupunta?"

"Maghahanap ng bangin."

"Kung hindi mo naitatanong 'Bangin' is my middle name so puwedeng-puwede kang mahulog sa 'kin anytime, anywhere, beybeh." nag-flying kiss pa si Ziggy kay Freya na inirapan lang nang huli.

Lahat sila ay nagtawanan sa kulitan ng dalawa. Ngayong masaya na ang lovelife nila ni Jared how she wished na mahanap na rin ng mga kaibigan niya ang kanya-kanyang Prince Charming. Well, every damsel definitely needs a knight.

WAKAS    

The Brave Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon