CHAPTER FOUR

11K 173 2
                                    

"SASHA, okay lang kayo rito? Lalabas na muna ako. Tutal tapos na rin naman siguro kumain ang karamihan sa mga bisita. Kumain na rin kayo kung gusto niyo muling kumain, bago kayo magligpit ng kusina," bilin ni Colette sa head chef nang patapos na ang kainan.

"Yes, boss! Lumabas ka na doon at nabuburo lang ang beauty mo dito sa kusina." nakangiting sagot nito sa kanya.

"Don't worry boss Co, kung walang papansin sa 'yo doon nandito naman ako!" kumikindat na saad ng sous chef nilang si Montag na pinsan ni Aika.

"Ang kapal naman ng jamuks mo, Mon!" inirapan ni Sasha ang lalaki. "Hindi magtitiyaga si Colette sa pagmumukha mo 'no!"

"Kuuu, ang sabihin mo, eh, nagseselos ka. 'Kala mo hindi ko alam na pinagnanasaan mo ang sexy body ko?" Nagmacho-dancing pa ang lalaki sa harap ni Sasha.

Lahat ng tao sa kusina ay natawa sa ginawa ng lalaki maliban kay Sasha na namumula na sa inis.

"Tumigil ka diyan lalaki kung ayaw mong isaksak ko sa 'yo ang lahat ng kutsilyo dito!" padabog na dumiretso ito sa pantry at pabalibag na isinara ang pinto.

"Hay naku, kahit kailan in denial talaga ang babaeng iyon," naiiling na saad nito.

"Kung ako sa 'yo Mon, iibahin ko ang diskarte ng panliligaw kay Sasha. Baka hindi ka na sikatan ng araw sa mga pinaggagagawa mo sa kanya," natatawang paalala niya rito.

Nanlaki ang mga mata nito. Hindi makapaniwalang itinuro ang sarili. "Ako? Manliligaw? Kay Amazona?! No way!" mariing tanggi nito na ipinag-ekis pa ang mga kamay. "Alam mo namang ikaw ang one-and-only boss ng buhay ko."

Kibit-balikat at ngiti lang ang itinugon niya rito at lumabas na ng kusina.

Kanina pa nagsimula ang surprise party ng kuya ni Jaeda. At since siya ang in-charge sa food ay hands-on siya roon para siguradong magiging maayos ang lahat. Naging sobrang busy nila sa loob ng kusina kaya walang siyang panahon na lumabas at makiharap sa iba pang mga bisita. Nang makatiyempong walang problema ay panaka-naka siyang kumakain para hindi na rin siya malipasan ng gutom kahit papaano. At ngayong tapos na nga "kainan portion" ng party ay tapos na rin ang kanyang tungkulin sa kusina.

Kasalukuyang naka-reserve ang buong restaurant para sa birthday party ni Jorick at ang mga close friends and relatives lamang ang imbitado. Halatang nagulat si Jorick pagkakita sa mga bisita dahil ang pagkakaalam nito ay may mga kanya-kanyang appointment ang mga iyon.

Inayos niya ang kanyang suot na white chiffon dress. V-neck at medyo puffed sleeves ang design na hanggang tuhod ang haba. Medyo sexy pero sophisticated ang dating niya sa suot na damit. Ang mahaba at naturally-wavy niyang buhok ay itinali niya sa gilid at nakasampay sa isang balikat.

Huminga siya ng malalim bago pumasok sa function room.

Halos tapos nang kumain ang lahat. Karamihan sa mga bisita ay nasa gitna at sumasayaw sa musikang likha ng banda ni Ziggy.

Nakita niya si Jaeda malapit sa tinayong stage para sa mga performers. May kausap itong lalaki na nakatalikod sa kanya. Mamaya niya na lang ito pupuntahan at kakausapin.

Hinanap niya na lang ang birthday celebrant. Agad naman niya itong nakita kasama ng barkada nito.

"Happy birthday Jorick! Tumatanda ka na ah!" bati niya rito.

"Thanks, Cole!" nakangiting yumakap ito sa kanya.

"Grabe ang ginawa n'yong makeover sa resto. Puwede na itong pambato sa mga sikat na bar na napupuntahan namin!" komento ni Rieley na kumakain ng chocolate truffle cake.

The Brave Damsel (published/unedited)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن