CHAPTER SEVEN

8.7K 153 0
                                    

"GOOD morning!" masiglang bati niya sa mga tao sa restaurant.

"Mukhang masaya po kayo ngayon boss ah," puna sa kanya ng isang tauhan niya.

"Oo nga po, boss."

"Ayeeee... blooming..."

Nginitian niya lamang ang mga ito. Talaga namang masaya siya. Magdadalawang buwan na silang "mag-on" ni Jared at naging sunod-sunod ang paglabas at pag-date nila ng baby niya. Lahat ng tauhan nila ay kilala na nga ang binata tuwing napapadaan ito sa resto.

Nangingiti na lang siya tuwing naaalala niya ang binata. Para siyang teenager na parating kinikilig tuwing maiisip ang kanyang crush. She sighed like a teenager daydreaming of her crush.

Papasok na siya sa private office nang biglang bumukas iyon. Excited na lumabas si Aika na may dalang isang nakabalot na bowl with matching ribbon.

"Colette! May regalo ka... bilis buksan mo na!" bungad sa kanya ni Aika na mukhang excited na malaman kung ano ang laman ng kanyang regalo.

Napailing na lang siya sa turan ng kaibigan. Kahit kailan may pagkatsismosa talaga ang kaibigan niya.

Inabot niya ang regalo at sinimulang buksan iyon. Napagbuksan niya ang isang bowl na naglalaman ng samu't saring berries.

"Wow! Berries! Sosyal," pumapalakpak na saad nito. "Pahingi ako ha?"

Naningkit ang kanyang mga mata nang mapagmasdang mabuti ang mga prutas.

"Sandali!" pigil niya nang isusubo na sana nito ang isang prutas.

"Bakit?" naguguluhang tanong nito na hindi pa rin binibitawan ang hawak na berry.

Kinuha niya ang pinagbalutan ng regalo at hinanap kung may kasama iyong card.

Hindi siya nabigo. Nakita niya agad iyon. Binasa niya ang nakasulat: "Eat well".

If she hadn't known better mapagkakamalan iyong love note ng iba. Pero dahil hindi ito ang unang beses na may gumawa nang ganoong stunt ay alam niyang balak talaga ng kung sino mang nagpadala ng regalo na kainin niya ang mga prutas na iyon.

Simula kasi nang madalas silang maglabas-labas ni Jared ay parang dumadalas ang mga "regalo" sa kanya ng nananakot sa kanya. Pero binabale-wala niya lang ang lahat ng iyon.

Sa tingin naman kasi niya ay kaya niya ang mga banta nito sa kanya. Kaya sinasarili na lang niya ang mga iyon. Wala siyang pinagsabihan nito maliban kay Sasha na isang beses lang namang nangyari.

Kaya kung hindi niya namukhaan ang prutas na katulad ito nang sa greenhouse ni Jared ay hindi siya magdadalawang-isip.

Kinuha niya ang lalagyan at walang sabi-sabing itinapon iyon sa basurahan.

"O, Cole... ba't mo naman tinapon hindi mo pa nga natitikman eh," nanlaki ang mga mata nito sa kanyang ginawa.

"May uod akong nakita kaya ko itinapon," pagdadahilan niya. Ayaw niyang mag-alala pa ito kapag nalaman nito ang totoo.

Nandidiring binitawan nito ang hawak na prutas. "Eew! Ba't hindi mo agad sinabi!"

Tinawanan niya na lang ang kaartehan nito. Kung alam kaya nito na may lason ang mga berries ano kaya ang magiging reaksiyon nito?

"Ano ba naman si Jared, nagpapadala ng mga prutas na inuuod," napapalatak ito.

Marahas siyang napaharap dito. "Si Jared ang nagpadala ng mga ito?" nakakunot-noong tanong niya rito.

"I'm not sure. Pero siya lang naman ang nagpapadala ng mga regalo sa 'yo, eh."

Bigla siyang kinabahan. Ilang beses siyang umiling para ipalis ang ideyang pumapasok sa isip niya.

The Brave Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon