CHAPTER TWO

11K 169 0
                                    

PARANG binibiyak ang ulo ni Colette. Binuksan niya ang kanyang mga mata para lang ipikit muli nang masilaw siya sa liwanag na tumatakas sa bahagyang nakasarang blinds sa bintana. Masakit na masakit pa ang kanyang ulo kaya gusto niya pang humiga.

Naramdaman niyang may nakadagan sa kanyang tiyan at binti. Tumagilid siya sa pagkakahiga. Iminulat niya muli ang kanyang mga mata at nagulantang sa kanyang nakita. Kumurap-kurap siya para masiguradong hindi siya nananaginip. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at muling dumako sa katabi. She's definitely not in her room!

Agad na tiningnan niya ang kanyang suot at nagitla siya sa nakita. Isang oversized t-shirt lang ang kanyang suot! Dumako ang tingin niya sa katabi at nakita niyang wala itong ibang saplot maliban sa boxers nito.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala namang masakit sa kanya maliban na lang sa ulo niyang parang pinalakol.

Tinitigan niya ang mukha ng natutulog na nilalang sa kanyang tabi. Maamong-maamo ang pagmumukha nito at himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Sa katunayan ay ginawa pa siya nitong parang unan, and she found out that she kind of—like it. Masarap ang sensasyong nararamdaman niya na nakayakap sa kanya si Jared, parang gusto na lang niyang manatili sa tabi nito.

Hello! Hindi mo kaya kaano-ano ang lalaking 'yan para magpayakap ka na lang ng ganyan!

Napabalikwas siya ng bangon sa naisip. Sa ginawa niya ay naalimpungatan ang kanyang katabi at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Mga ilang segundo muna itong nakamasid sa kanya bago siya nginitian ng ubod tamis na nagbigay ng kakaibang tibok sa kanyang puso. "Good morning, baby."

"A-ah, g-good morning."

Gusto niyang kutusan ang kanyang sarili. Ano ba naman ang pumasok sa utak niya at nakikipagpalitan pa siya ng "good morning" sa lalaking ito!

Ang malala pa ay parang nagugustuhan niya pa ang nangyayari—in a way. Marahas siyang napailing. Matindi lang siguro ang tama ng alak sa kanya nang nagdaang gabi kaya kung anu-anong kagagahan ang pumapasok sa isip niya. Tama, dala lang ito ng alak. Sinusumpa niyang hinding-hindi na siya muling iinom dahil ipapahamak lang siya ng lintik na alak na iyon!

"Ano'ng ginagawa ko rito? 'A-asan ako?" Nalilito siya kung ano ang ginagawa niya kasama 'to. Ang huli niyang natatandaan ay papaalis na siya ng bar. Malabo na ang mga kasunod na mga pangyayari tapos n'on.

"Nalasing ka kagabi, so I brought you here in my pad sa Makati," paliwanag nito.

"Pero bakit magkatabi tayo sa kama?"

"Isa lang ang kuwarto dito alangan namang sa sofa kita patulugin?"

"Ba't hindi ka na lang sa sofa natulog?" Bastos na kung bastos pero sana naman inisip nito na babae pa rin siya kahit papaano.

Natawa ito sa kanyang tanong. "I won't fit on the sofa."

Tiningnan niya ang kabuuan nito. Malaking tao nga naman ito. Siguro aabot ito ng anim na talampakan.

Nabaling ang tingin niya sa suot niyang t-shirt tapos sa anyo ng lalake. "Eh, ba't ganito ang suot ko?" itinuro niya ang suot na oversized t-shirt na may print ni Mickey Mouse.

"It's because you vomitted. 'Yun nga ang primary reason kung bakit hindi ko na hinintay ang kaibigan mo kasi sinukahan mo ako."

Nanlaki ang mga mata niya. "S-sinukahan k-kita?" namutla siya nang tumango ito. "I-I'm sorry."

Nagkibit-balikit ito at ngumiti. "Want breakfast?" umahon na ito sa higaan at tumungo sa banyo. Hindi niya napigilan ang mapatitig sa katawan nito gayong naka-boxers lamang ito. Narinig niya ang pagbukas ng shower. Hinapit niya nang mahigpit ang kumot palapit sa kanyang dibdib upang mapagtakpan ang kakaibang damdaming nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

The Brave Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now