CHAPTER FIVE

10.1K 162 1
                                    

KANINA pa ngangingiti si Jared sa isipang girlfriend na niya ngayon si Colette. Well, more like a pretend girlfriend but he's going to treat it as if they're really on the girlfriend-boyfriend relationship.

Inaamin niyang attracted siya kay Colette sa unang kita niya pa lang dito pero hindi siya sigurado kung tatagal ang atraksiyong iyon.

Their relationship now is more like a "trial relationship" for him. Marami rin naman kasi siyang makukuhang benefits mula sa trial relationship nila. Mababawasan ang problema niya kay Kelly, may reason na siya na parating maging malapit kay Colette, at may possibility na ma-sort out na niya kung ano ang maaaring maging development ng damdamin niya para dito.

For now, wala naman sigurong masama kung iyon ang gagawin niya. Besides, pumayag naman ito.

Dahil sa utang-na-loob...

Napabuntong-hininga siya sa naisip. Sinusuklian lamang ng dalaga ang pabor na nagawa niya rito noon kaya ito pumayag at wala nang ibang rason. Medyo nanlumo siya nang maisip na wala man lang naramdaman na attraction ang dalaga sa kanya.

Well, that isn't a reason for him to give up. Ipapakita niya rito ang kanyang charm. Whatever happens, he's gonna make Colette his by all means necessary.

ISANG dosenang lilies ang bumulaga kay Colette pagkalabas niya ng private office ng Lé Magnifique.

Sa likod niyon ay nakangiti si Jared habang inaabot ang mga bulaklak.

Nakasuot ito nang light blue long sleeves polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. At pinarisan iyon ng black slacks and leather shoes. Napaka-fresh nitong tingnan animo hindi nanggaling sa maghapong trabaho.

"Hi! Ano'ng ginagawa mo rito?" hindi niya naitago ang excitement nang makita niya ang dala ng binata. Paborito niya kasi ang mga lilies. Kahit na karamihan ay nagsasabi na para sa patay ang mga iyon, para sa kanya ay simbolo ito ng kadalisayan, kalinisan, at kainosentehan. "Thanks," inabot niya ang mga bulaklak at napangiti.

Pinagalaw nito ang mga balikat nito. "Gusto lang kita makita."

"Naks! Ang sweet naman!" Pareho nilang nalingunan ni Jared si Aika na papasok sa linabasan niyang opisina. May dala-dala itong brown envelope sa isang kamay. "Liniligawan mo si Colette?"

"Actually, boyfriend niya ako," salo sa kanya ni Jared ng hindi siya agad nakapagsalita.

Halatang nagulat si Aika sa sinabi ng binata dahil nanlaki ang mga mata nito at napanganga pa.

Hindi na niya ito hinintay na magkomento pa. "Mauna na kami, Ai. May date pa pala kami. 'Bye." Hinila niya ang kamay ni Jared at nagpunta na sa parking lot.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong niya sa kasama nang makasakay sa kotse nito.

Tiningnan nito ang relo sa bisig. "How about we go for an early dinner?" ngumiti ito ng 'makalaglag panty' nitong ngiti. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang seat belt na para bang lifeline niya iyon. Aatakihin siya sa puso sa ginagawa nito. Ngiti pa lang iyan girl, ano pa kaya kung lumevel up na!

"Bakit hindi na lang tayo sa loob kumain?" Since restaurant din naman ang kinaroroonan nila mas praktikal siguro kung doon na lang sila kakain. Masasarap rin naman ang mga nasa menu nila.

"Ayos lang sa akin pero hindi ka ba maiilang dahil sinabi ko na may relasyon tayong dalawa."

Natigilan siya. Nakalimutan niya iyon. Siguradong puputaktihin siya ng mga tanong ng mga kaibigan. Sa susunod na araw na lang niya haharapin ang mga iyon. For now, silang dalawa na lang muna ng baby niya.

The Brave Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now