CHAPTER ONE

14.5K 210 1
                                    


SABADO. May usapan si Colette at ng mga kaibigan niya na magkikita sila sa isang bar sa Highstreet, The Fort. Dahil ayaw naman niyang magmukmok at mag-e-emote sa bahay ay naisipan na lang niyang sumama. Medyo marami-rami na rin ang tao kaya may kaunting siksikan kahit na karamihan ay nasa dancefloor na.

Siya ang naunang dumating. Wala naman kasi siyang ginagawa nang tumawag ang kaibigan niya. Ngunit kung saan kasi papunta na siya sa tagpuan ay saka naman sasabihin ng mga kaibigan niya na mahuhuli ang mga ito. Napabuntong-hininga siya. Mahaba-habang hintayan na naman ito.

Nag-text kasi sina Jaeda at Freya na male-late ang mga ito. May kaunting problema raw sa restaurant na pag-aari nilang magkakaibigan. Pinagbakasyon nga lang siya ng mga ito dahil sa hindi naman siya makapagtrabaho ng maayos. Samantalang tumawag si Elise at sinabing hinihintay pa nitong dumating ang nakatatandang kapatid. Naiwan kasi sa pangangalaga nito ang mga pamangkin habang nag-celebrate ng wedding anniversary ang kapitid at bayaw. Si Aika naman ay on the way na raw, pero pupusta siyang papaalis pa lang ito sa tinitirhan nitong condo sa Parañaque nang mag-text ito.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya habang hinihintay ang mga ito. Kung alam lang niyang siya ang mauunang dumating ay sana hindi na muna siya umalis nang ganoon kaaga.

Well, there's nothing you could do, might as well entertain yourself.

Marami-rami na rin ang mga tao, palibhasa sabado kaya mukhang lahat ng tao ay may planong gumimik. Meron siyang nadaanang grupo ng mga nagtatawanang kababaihan na kung makapagsuot ng makeup ay mukhang matatalo pa ang clown sa sobrang kapal at sa sobrang ikli ng mga damit ay hindi na niya alam kung paano pa gagalaw ang mga ito para hindi masilipan—unless iyon naman talaga ang primary purpose ng mga iyon. Kung pagmamasdan mo ang kilos at pananalita ng mga ito'y masasabi mong maaarte to the max ang mga ito—sobrang exag ba naman kung gumalaw at parang mga kiti-kiti na hindi mapakali! Pilit siyang umiwas sa daraanan ng mga ito ngunit dahil masikip na ang lugar ay natabig pa rin siya ng mga ito—kailangan ba naman kasing naka-side by side ang mga porma ng mga ito—dahilan para mapasubsob siya sa kalapit na mesa.

Pero bago pa siya tuluyang makipag-lips-to-lips sa mesa ay may sumalo sa kanya kaya hindi siya nahulog nang tuluyan.

Hmm... She smells nice...

Hindi alam ni Jared kung may mga lumuwag bang mga turnilyo sa utak niya kaya ganoon na lang ang pagkahalina niya sa babaeng nasa kamay niya. Para siyang aso na gustong singhut-singhutin ang mabangong amoy nito na parang nagpapaadik sa kanya. She smells like a flower garden. Mild and sweet.

Oh get a grip, man! sita ng isang bahagi ng isip niya na medyo oriented pa. Pero bago pa siya makahuma ng sasabihin ay nakatayo na ito nang maayos at mabilis na naglakad palayo sa kinaroroonan niya.

"Well, so much for 'thank you'." He gave her a last look but he can't find her anywhere. Nagkibit-balikat na lang siya at bumalik na sa kinauupan niya kanina kasama ang barkada.

Two weeks na siya rito sa Pilipinas at ngayon lang siya nagkaroon ng oras para makasama ang mga kaibigan niya.

Eight years ago, he left for the States kasama ang kanyang pamilya. His parents decided to live in the States at papamahalaan na lang doon ang mga naiwang negosyo ng kanyang yumaong lolo.

He had a great life abroad but he didn't want the complicated and stressful lifestyle that it offers. Plus there's the fact that his ex-girlfriend got so obsessed with him na halos lahat na lang yata ng tao ay pinagseselosan. He got tired of pleasing her each and every time she would had a fit, so he finally decided to end things. At umuwi na lang siya ng Pilipinas para tumulong sa negosyong pinundar nilang magkakaibigan—ang 5xB, an architectural firm.

The Brave Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon