Prologue

1.3M 21.2K 10.7K
                                    

"YOU'RE SO GOOD, BABY!"


Napapa-iling na lang si Camilla habang tagaktak ang kanyang pawis. Pagod na pagod na siya. Parang hindi niya na nga kakayaning maglakad nang maayos mamaya dahil sa sobrang pangangalay.


"Baby, I want more!" request ng matandang lalaki sa kanya.


Napahingal siya sa pagod. "Okay, bilisan ko ba o banayad lang?"


"Faster, baby!"


Binilisan niya nga gaya ng utos nito. "Ganito?"


Lalo namang nabaliw ang matandang lalaki sa ilalim niya. "Yes, baby! Oh, shit! I really like it! Oh, shit!"


Hindi na niya tuloy malaman kung maiinis o matatawa ba siya sa reaksyon ng matandang lalaki. Pinagbuti na lamang niya ang paglamas sa matabang likod nito.


At hayun, umalulong na naman ito sa sarap. "Please don't stop! I want more..."


Napaatras na siya. "Tama na po!"


Napaangat naman ang mukha nito. Halatang nabitin.


"Tama na, sir."


Kinunutan siya nito ng noo. Doon ay mas lalong naging kapansin-pansin ang mga guhit at gatla nito sa mukha na gawa ng edad. "Bakit?!" inosenteng tanong nito sa kanya.


"Sorry sir, but your time is up," paliwanag niya habang nag-uunat ng mga braso.


"Pwede pa ba akong mag-extend uli?" pagmamakaawa nito. Parang lolong malungkot.


"Sir, pangatlong oras niyo na po ito. Baka madurog na ang mga buto niyo sa kakamasahe ko." Napahalukipkip siya. "Saka nakakangalay nang masahiin kayo. Gusto ko naman nang makapagpahinga."


Sa totoo lang, kahit nangangalay sa kaka-masahe rito ay hindi niya rin namalayan ang oras. She was busy thinking. May malalim kasi siyang iniisip at pino-problema sa ngayon.


Natawa ang matanda. "Pasensya ka na, hija, ha? Ang sarap mo kasing magmasahe at..." Bahagya nitong pinasadahan ang kanyang kabuuan. "Ang ganda mo pa."


Pasimple niya itong inirapan. "Okay lang po. Balik na lang po kayo bukas. Baka kapag nag-extend pa kayo e mapatay ko na po kayo."


Lalong itong napahalakhak.


Ano kayang nakakatawa? Hindi ba nito alam na kapag nasobrahan sa masahe ay pwede itong matuluyan? Itsura pa naman nito parang kaunting extra rice na lang, mai-stroke na.


Nakangisi pa ang matandang lalaki habang isinusuot ang barong na hinubad bago ito humiga sa massager bed. "Hindi bale, bibigyan kita ng malaking tip."

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon