Kabanata 36

209K 6.4K 1.6K
                                    

"KANINA ka pa ba dito?" 


Naabutan niyang pabalik-balik sa sala ng condo si Hendrick. Naka-business suit pa ito.


Nagulat ito sa kanya. "Yeah . . . saan ka ba galing?" Agad siya nitong nilapitan at saka niyakap. "God! I'm so worried about you!" Hinawakan nito ang tiyan niya. "Saan kayo galing ni Baby?"


"Sa . . ."


"Tumawag ako sa HR para alamin ang number ng kaibigan mo. Nag-worry ako no'ng malaman kong ilang oras ka na palang nakaalis do'n sa party—" Natigil ito sa pagsasalita at saka napatitig sa mukha niya.


Nag-iwas siya ng tingin.


Hinuli nito ang mukha niya. "Bakit namumutla ka?"


Doon na niya hindi nakayanan. Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. "G-Galing ako sa doktor . . ." nangangatal ang mga labing saad niya.


"What?" naguguluhang tanong nito. "Kaya ka inabot ng ganitong oras? Ano'ng ginawa mo sa doktor?"


"H-Hendrick . . . nakunan ako . . ." pikit-matang sagot niya. 


Natigagal ito. Maging ito ay namutla sa sinabi niya.


Napahagulhol na siya. "I'm sorry . . . I'm sorry . . . please, I'm sorry . . ." Kumapit siya kay Hendrick at doon humagulgol sa dibdib nito. "Kasalanan ko ito . . . ang tanga-tanga ko. I'm sorry . . . I'm sorry at hindi ako nag-ingat . . ."


Umiling ito at saka siya niyakap nang mahigpit. "Hush . . ." alo nito sa kanya.


Patuloy siya sa pag-iyak sa dibdib nito. "I'm sorry . . . kasalanan ko! Hindi ako nakinig . . ."


Hinaplos nito ang luhaan niyang pisngi at saka siya hinalikan sa kanyang noo. "Tama na . . . tahan na . . ."


Sumigok siya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili niya kahit pa tila hindi na maampat ang mga luha niya.


"Are you okay now? Gusto mo bang ipatawag ko ang doktor—" 


Umiling siya. "Ayos na ako . . . gusto ko lang magpahinga . . ."


Pinangko siya nito patungo sa kanilang kuwarto. Maingat siya nitong inihiga sa kanilang kama at saka siya kinumutan.


"Sleep, Camilla." Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan iyon. "Rest . . ."


"I'm sorry . . ." Humihikbing sabi niya. ". . . patawarin mo ako."


"Sshh. . . ." Tumungo ito at hinalikan muli ang noo niya. "Magpahinga ka na..."


Magdamag na hindi siya iniwanan nito. Naalimpungatan pa siya sa paghaplos-haplos nito sa likod at ulo niya. Nakatulog siya na mabigat ang pakiramdam. Sa pagtulog niya ay ipinapanalangin niya na sana masamang panaginip lang ang lahat.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon