Kabanata 5

613K 13.8K 3.5K
                                    

MONTEMAYOR CRUISE.


Finally, they arrived at the port.

Basta na lang bumaba si Hendrick sa driver's side matapos ihinto ang kotse. Sinalubong ito ng mga unipormadong lalaki at kinuha rito ang susi.

Samantalang si Camilla ay nakasimangot na ring bumaba mula sa passenger's seat. Hindi sa ini-expect niya na ipagbubukas siya nito ng pinto, kundi sana man lang sinabi sa kanya na bababa na sila. Mukha kasi siyang tanga na basta na lang nitong iniwan sa loob.

Sumunod siya sa paglalakad ni Hendrick. Ang bilis nitong maglakad tapos ang hahaba pa ng biyas kaya hirap siyang makahabol.

"Baka naman gusto mo akong hintayin?!" di na siya nakatiis na sigawan ito.

Hindi siya nito pinansin. Ni Hindi siya nilingon ng walanghiya. Napakasama talaga ng ugali.

Pagkakita niya sa barko ng en grandeng barko ng Montemayor Cruise ay nabura ang lahat ng inis niya. The luxurious aqua giant was now in front of here eyes. It felt surreal.

Sa magazines, TV at billboards niya lang madalas nakikita ang M. Cruise, but she was now here. Hindi siya makapaniwala na ang dating pangarap niya lang na mapuntahan ay napuntahan niya na ngayon.

Ang taas ng barko ay katumbas ng matayog na empire building at ang haba ay mas higit pa siguro sa Eiffel Tower of Paris, France. It was true to its claim as the largest and grandest passenger vessels.

Pagpasok sa loob ay mas lalo siyang napahanga. Parang gusto niyang iuntog ang ulo sa marmol na pader upang tiyakin kung nananaginip lang ba siya o hindi.

Habang naglalakad sila ni Hendrick ay para siyang bata na palingon-lingon sa paligid. Ang lawak ng barko, ang taas ng ceiling at ang liliwanag ng mga chandelier na mukhang mga maliliit na brilyante sa pagkinang.

Pakiramdam ni Camilla ay nasa modern Titanic siya, the famous ship of the luxury passenger liner na ginawan ng movie noong 1997. Paborito niya iyon at ilang ulit na iniyakan ang ending.

Pakiramdam niya ay naroon siya ngayon sa movie ng Titanic. Syempre siya si Rose at si Jack ay ang antipatikong si Hendrick. Bakit, may choice pa ba siyang mamili ng Jack niya?

Pigil niya ang paghinga habang iginagala ang kanyang mga mata sa bawat madaanan nila. Lalapitan niya sana ang isang malaking figurine ng haltakin siya ni Hendrick sa bewang dahilan para mapasubsob siya sa matigas nitong dibdib.

Ang bango-bango!

Nanliit bigla ang kanyang Bambini cologne sa mamahalin nitong amoy. Ngunit ang higit na ikinawala ng hininga niya ay ang kulay tsokolate nitong mga mata na tila lumalagos sa kanyang kaluluwa nang magkatitigan silang dalawa.

Hindi nagtagal at naglaho na ang kanyang pagpapantasya nang magsalita ito. "Hey?! Are you that stupid?"

"Ha?" Napakurap-kurap siya.

"What the hell are you waiting for? Let's go to our room," malamig na sabi nito at saka siya binitiwan.

Nagusot ang mukha niya nang mamatay ang kanyang pagpapantasya. Nagising siya sa katotohanan na wala siya sa fairytale dahil nasa isa siyang horror story at si Hendrick Montemayor ang monster.

Pumasok sila sa kulay gintong elevator. VIP elevator daw iyon sabi ng staff na nag-assist sa kanila. Paglabas ay dumiretso sila sa penthouse ng barko. Nasa deck 18 at overlooking ang karagatan.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon