Huling Kabanata

229K 6.3K 940
                                    

"SON OF A BITCH!"


Nasa lobby sila ng Montemayor Condominium nang mamataan ni Hendrick si Dr. Garais, ang doktor na nagsabing nakunan siya. Bagsak sa sahig si Dr. Lloyd Garais, ang doktor na ex-boyfriend ni Ava, habang duguan ang ilong at bibig nito. Sinapak ito ni Hendrick.


"Hendrick!" Napatili si Camilla nang tawagin ni Hendrick ang isa sa mga guards sa lobby.


"Your gun!" malamig na utos ng asawa niya sa guwardiya.


"Sir..." Hindi malaman ng guwardiya kung susunod o hindi. Kilala nito si Hendrick, alam nito na ang lalaki ang may ari ng buong building at alam din nito kung gaano kayaman at kamakapangyarihan ang asawa niya.


"Give me your gun!" sigaw ni Hendrick nang hindi pa rin kumikilos ang guwardiya.


Nanginginig na inabot ng guwardiya ang baril kay Hendrick ngunit humarang siya. "Hendrick, please..."


"Don't stop me, Camilla. I'm gonna kill that bastard."


Kinuha niya ang baril na inaabot ng guwardiya at itinago sa bitbit niyang shoulder bag. "I won't let you, Hendrick."


Tumayo mula sa pagkakalugmok sa sahig si Dr. Garais. "I can understand your rage, Montemayor," anito habang pinupunasan ang duguang bibig. "I've got no excuses."


"Fuck you!" Tinadyakan ito ni Hendrick sa sikmura. "I'm gonna kill you! I will make sure that you will lose your license! Ipapatapon kita sa ibang bansa at hindi ka na makakabalik ng Pilipinas hanggang sa huling hininga mo!"


Niyakap niya sa bewang si Hendrick upang mailayo sa doktor.


"Psh!" Dumura ng dugo si Lloyd sa sahig. "Do eveything that will make you feel better. Pero narito ako para humingi ng tawad at hindi para guluhin kayo."


"Tama na, Dr. Garais, umalis ka na muna," pakiusap niya rito.


"I also want you to know that you're the reason why Ava turned into a monster that she is now." Dumura muli ito. Puno ng dugo ang bibig ni Lloyd. "Nabaliw si Ava dahil sa kagagawan mo, Montemayor. Dahil sa 'yo kaya nasira siya."


"Walang kasalanan si Hendrick," hindi nakapagtimping wika niya.


Nangangalit ang mga ngipin ni Dr. garais, nawala na ang kakalmahan.


Umiling siya habang hinahayaang bumagsak ang mga luha. "Nasa tao ang pagpapasya kung magpapasira siya. May sarili siyang utak at ginusto niya ang mga nangyari! Walang pumilit sa kanya kaya wag mong sisihin ang asawa ko!"


Natulala si Hendrick nang makitang luhaan siya. Galit na hinarap nito si Dr. Garais. "How dare you make my wife cry?!"


"Hendrick..." Pinigilan niya ito sa braso.


Nangatal naman ang mga labi ni Dr. Garais nang muling magsalita. "W-why do you care so much for that woman? B-bakit hindi mo nagawang pahalagahan si Ava kahit kaunti? Bakit?"


Hinila niya si Hendrick at siya ang sumagot sa tanong ni Dr. Garais. "Dahil hindi pinipilit ang pagmamahal, Doc. Gayunpaman, may mga choices pa rin tayo sa buhay. Ngayon tatanungin kita kung anong choice ang gusto mong piliin, hahayaan mo bang sirain ka rin ni Ava kagaya ng sinasabi mong pagsira ni Hendrick sa babaeng iyon?"


Natigilan ang doktor. Sapat na ang pagkapatda ng doktor bilang sagot.


"Let's go, Hendrick." Hinila niya na si Hendrick kahit pa parang ayaw pa nitong umalis.


Namumula ang asawa niya nang kanyang lingunin. Nagtatagis ang mga ngipin. But she was so proud of him because he can now hold himself, he was now able to control his anger.


Hinid niya ito bibitiwan. Sisikapin niyang pakalmahin ito sa tuwing may ganitong pagkakataon.


Nang makalayo na sila ay narinig niyang mahinang nagsalita si Hendrick. "I will not let them off."


Napangiti siya. Alam niya. Alam niyang hindi titigil si Hendrick hangga't hindi napapatawan ng tamang parusa sina Dr. Garais at Ava. Malaki ang kasalanan ng dalawa sa kanila, kaya kahit siya ay hindi makakapayag na mauuwi sa wala ang lahat.


May mga kasalanan na nararapat lang pagbayaran. Hindi niya pipigilan si Hendrick sa mga gagawin nitong hakbang. She believed hin him. He's not going to touch her and their son with dirty hands.


Hendrick will just use his money and power to send the two in prison, or maybe Ava in the mental hospital. At ang Diyos at batas na ang bahalang tuluyang magpataw ng parusa.


Tiningala niya ito. "I love you..."


Ang madilim na mukha ni Hendrick ay tuluyang kumalma nang marinig ang sinabi niya.


JF

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon