Kabanata 1

915K 19K 6.7K
                                    

WHAT KIND OF MAN WAS HE?


Two-hundred thousand pesos and that man will have her all night. Camilla still couldn't believe it. 


"Done, ma'am," magalang na sabi ng magandang transgender na nag-ayos sa kanya.


Tumingin si Camilla sa harapan ng lifesized mirror. Nasa kwarto siya ng isang five-star hotel. Inayusan siya at binihisan na halos hindi niya na makilala ang sarili pagkatapos. Ang suot niya ay black bodycon dress na maiksi. Ang kanyang sapatos naman sa paa ay mataas na stilletos na kaparehong luxury brand ng suot niyang damit. Ito rin ang unang beses na naranasan niyang makagamit ng mamahaling pabango.


Lahat ng ito ay para lamang sa pagharap niya sa lalaking ang edad at pangalan ay hindi niya alam. Maski ang mukha nito ay hindi niya pa nasisilayan. She was curious. Anong klaseng lalaki ito?


Alam niya na isa itong bilyonaryo, na linggo-linggo ay nagpapahanap ito ng babaeng babayaran nito para makasama sa magdamag, ngunit bukod doon ay wala na siyang ibang alam tungkol dito. Ni hindi niya alam kung nananakit ba ito, kung may sakit ba sa pag-iisip o ano.


Gusto niyang matakot at umatras sa huling pagkakataon, ang kaso ay ang kalahati o paunang bayad ay nakuha niya na at naibayad na sa hospital bill ng kapatid niyang si Kara.


Kara was everything to her. Matagal nang kinakailangan ng pera sa operasyon ni Kara ngunit kahit anong kayod niya at pagpapakamatay sa trabaho, hindi niya talaga kayang magproduce ng halagang sinabi ng doktor. Umaandar ang oras at hindi niya matatanggap kung magiging huli na ang lahat. Kaya ngayon ay pikit-mata siyang kakapit sa patalim. 


Mula sa pinto ng hotel room ay pumasok ang isang unipormadong babae. Tumingin ito sa kanya. "Sir is waiting in his room now."


Napalunok siya.


"Good luck, ma'am," bulong ng magandang transgender na nag-ayos sa kanya.


Nanginginig ang mga tuhod na humakbang siya palabas ng hotel room. Sinamahan siya ng attendant hanggang sa penthouse ng building.


Paglabas ng elevator ay naglakad sila sa tahimik na hallway. Bago makarating sa dulo ay isang matandang lalaki ang kanyang natanaw. Tingin niya ay nasa mid sixties ito. Naka all white tuxedo at mukhang kagalang-galang.


Sinalubong sila nito at bumaling sa attendant na ksama niya. "I'll take her from here. Thank you." Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. "How are you, Miss?"


Napalunok siya nang mariin. Kahit ngumiti rito ay hindi niya magawa.


"I understand how you feel. Come." Inalalayan siya nito papasok sa isang malawak na kwarto.


Sa kabila ng kaba ay hindi mapigilan ni Camilla ang paghanga sa paligid. Mataas ang ceiling ng kwarto na aakalain mong nasa isa kang palayo. Maganda at kahanga-hanga ang buong hotel ngunit iba ang dating ng suite na ito. Siguro dahil ito ang presidential suite?

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon