Kabanata 44

230K 7.2K 744
                                    

THEY NEEDED TO TALK.


Matapos niyang masigurong okay na si Kara ay nagpaalam siya sa private nurse nito na kinuha ni Hendrick. Kailangan nilang mag-usap ng asawa niya.


Palabas siya ng ospital ng magulat siya nang harangin siya ni Ava. "Camilla."


"Anong ginagawa mo rito?!"


Bantulot itong ngumiti sa kanya. Parang galing ito sa pagtakbo. Pawisan ang makinis nitong leeg at bahagya pa ngang hinihingal ang babae. "I'm sorry..."


"Sorry?" Umarko ang kilay niya. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito.


"You don't know Hendrick... Marami siyang puwedeng gawin!"


Umiling siya. "Narito ka ba para siraan na naman sa akin ang asawa ko?"


Nagulat siya nang biglang umiyak si Ava. Halos mabura na ang mascara nito. "Look... papatayin niya ako kapag nalaman niya ang ginawa ko!"


"You're wasting your life..." Gusto niyang maawa sa kamiserablehan nito ngunit hindi talaga mawala ang galit niya sa babaeng ito na nagtangkang patayin ang baby niya.


Halos yumakap ito sa kanya. "Baliw nga siguro ako, Camilla... Hindi ko kayang mapunta sa 'yo si Hendrick..."


"Stop it, Ava!" Gigil na itinulak niya ang sosyal na babae. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa lugar na iyon ng ospital. "May asawa na siya! Kasal na kami at magkakaanak na! Ano pa bang gusto mo?!"


"I fucking hate you, Camilla Honrado!" hiyaw nito. Hulas na ang make up sa mukha at parang basang sisiw na nanginginig.


Napaatras siya. Sigurado siyang nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot ito. Wala ng saysay na kausapin at paliwanagan niya pa ang isang taong sarado na ang isipan. 


"Ava... Ayusin mo ang sarili mo." mariing turan niya.


Umiling ito at saka humagulhol. "All my life... Mula noon hanggang ngayon ay si Hendrick lang ang lalaking inibig ko. Kahit kailan ay hindi ko naramdamang minahal niya ako... pero ikaw? Anong ginawa mo at minahal ka niya?!" Naguguluhang tumitig ito sa kanya. "Paano mo siya napaibig sa 'yo?! Anong mahika ang ginawa mo?!!"


"Walang rason at dahilan ang pag-ibig, Ava."


Hindi niya na pinansin pa ito. Nilampasan niya ang babae at saka siya pumara ng taxi. Nang makalulan siya sa sasakyan at doon niya na pinakawalan ang sama ng loob niya.


Umiyak siya habang patungo sa condo ni Hendrick, sa condo ng asawa niya. Mag-uusap sila. Aayusin nila ang lahat.


Hindi pwedeng ganito na lamang. Mahal niya ito at mahal siya nito kaya bakit nila papahirapan ang mga sarili nila? Talagang baliw sila kung hahayaan nilang masira sila ng napakawalang hiyang Ava na iyon.


Hinimas niya ang impis niya pang tiyan. "Baby, aayusin ni Mommy ang pamilya natin... Ipapaalam na natin sa daddy mo na nandito ka pa, na hindi mo kami iniwan... Sana hindi pa huli ang lahat..." 


JF

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon