Kabanata 28

318K 8.8K 4.1K
                                    

KINABUKASAN ay hindi muna pinauwi ni Hendrick si Camilla. Tumawag ito sa opisina na hindi sila makakapasok na dalawa. Kilig na kilig pa nga siya habang tini-text niya ang kaibigan niyang si Pie na nangungumusta sa kanila. Nai-chika niya na rito na niyaya na siya ng kanilang boss ng kasal at tulad niya ay napakasaya rin ni Pie para sa kanya.


Naglagi pa siya maghapon sa condo ni Hendrick. Ang kapatid niya ay pinadalhan ng binata ng personal nurse sa bahay nila. Hindi rin siya nag-aalala dito dahil kasama nito ang best friend niyang si Cynthia.


Inabala nila ni Hendrick ang sarili sa pag-uubos ng oras na silang dalawa lang ang magkasama sa condo unit nito. Nanood sila ng movies at saka ipinagluto niya ito ng agahan at tanghalian.


"Kailan ka mamamanhikan sa amin?" tanong niya habang nakakalong dito. Nasa sala sila ng condo nito.


"What?" Sumandal ito sa sandalan ng sofa at tumingin sa kanya.


Kinuha niya ang remote sa mesita at saka in-off ang 41" flat screen TV. "Alam kong wala na akong parents at si Kara na lang ang kasama ko... pero dapat mamanhikan ka pa rin." 


"Ikaw na lang ang mamanhikan sa amin," tamad na tamad na anito.


"Ano?!" Nanlaki ang butas ng ilong niya sa sinabi ni Hendrick.


Ngumiti ito. "Mas marami akong kamag-anak."


"Ano?! Salbahe ka talaga!" Akmang tatayo siya ngunit hinigpitan nito ang pagkakayapos sa bewang niya.


Nagtitili na lamang si Camilla nang ihiga na siya at daganan ni Hendrick sa sofang iyon. At alam niyo na ang kasunod!



KINAHAPUNAN ay niyaya niya itong lumabas. Nagpunta sila Shangri-La Mall para mamasyal at kumain na rin.


Nagpaalam siya kay Hendrick na pupunta sa comfort room habang nasa isang restaurant sila, pauwi na sila noon. Pabalik na siya sa upuan nila ng may kumalabit sa kanyang balikat.


"Miss..." Isang matangkad at guwapong lalaking nakangiti ang nalingunan niya.


"Yes?"


"Is this yours?" Inabot nito sa kanya ang kanyang panyo.


Natutop ni Camilla ang kanyang bibig. "Ah, oo... Naku, salamat." Ang panyong iyon ay regalo pa kasi ng nanay niya sa kanya noong nabubuhay pa ito.


"Nahulog mo... Okay lang..." sagot ng lalaki na napaka-simpatiko ng pagkakangiti sa kanya.


"Salamat, Mister." Kahit ang totoo ay naiilang na siya sa lagkit ng pagkakatitig nito. Saka niya lang naalalang sobrang sexy nga pala ang damit na ipina-deliver ni Hendrick sa condo kanina para isuot niya ngayon. Muli niyang binalikan ang mukha ng lalaking nakapulot ng panyo niya.


Lalo pa itong napangisi nang mapansing titig na titig siya rito. Sa itsura nito ay mukha itong babaero. "I'm Andrew." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon