Kabanata 21

330K 9.7K 1.8K
                                    

CAMILLA...


Hendrick was driving while thinking of Camilla's face. Hindi ito mabura sa isipan niya. Para itong sumpa na hindi mawala.


Like what the hell that woman did to him? Bakit nagkakaganito siya?


At first, he was just challenged. Wala siyang pakialam sa mga babae, maliban na lang kung nakahubad ang mga ito sa kama niya. Disposable para sa kanya ang mga ito, hindi importante.


Ngayon ay nag-uubos siya ng panahon sa isang babae. Hindi siya makapaniwala, but here he was, really wasting his precious time to Camilla Honrado.


Hindi siya sanay na may tumatanggi sa kanya. He had the name, money, power and the looks. Sanay siya na ang mga babae ang parang tanga na humahabol sa kanya kahit wala siyang pakialam sa mga ito...


But that witch, Camilla... She was different from all of them. May kung ano sa matatalim nitong mga tingin ang nagpapainit ng dibdib niya.


May kung ano rito na binubuhay ang dugo niya. Masyadong malakas na atraksyon na hindi niya kayang balewalain, so he decided to give in.


Wala pa siyang hinangad na hindi niya nakukuha, mapa sa negosyo man o sa ibang bagay. At hindi siya papayag na maging exception si Camilla.


Ibibigay niya rito ang lahat hanggang sa malunod ito. Hanggang sa marealize nito na hindi na ito makakaahon... hindi na siya nito magagawang iwasan. He was looking forward to that. He was excited.


Ano bang pakiramdam ng ito ang mababaliw sa kanya? Na ito ang kakapit at hindi bibitiw?


The day will come when you can see nothing but me, Camilla Honrado.




SA CONDO NI HENDRICK. Kakalabas niya pa lang sa shower nang magring ang personal phone niya. Hawak niya ang tuwalya sa kanyang bewang nang lapitan niya iyon.


"Who's this?" Hindi naka-register ang number ng caller kaya napakunot ang noo niya.


"Ava here." Lalong nangunot ang noo niya.


Muling nagsalita ang nasa kabilang linya. "Hi, honey! I told you na mag-stay na ako ng Pinas for good, di ba?"


"Where did you get my personal number?" Nakakunot pa rin ang noo niya.


"Kay Ayeza."


"Brat..." Nagtagis ang mga ngipin niya.


"Oh! Wag mo siyang awayin, pinilit ko lang siya."


"I don't have time for you, Ava," inis na sagot niya rito.


Akala niya ay nagkaunawaan na sila ng ibigay niya ang hiling nitong private chopper at resthouse sa Tagaytay. Maligalig pa rin ito.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon