Kabanata 33

239K 7.7K 1.4K
                                    

"ANO IYAN?" Nagtatakang sinundan ni Camilla sa kuwarto ang lalaki. Nakalipat na sila ni Kara sa condo ni Hendrick.


Isinaboy nito ang dala-dalang asin at mga bawang sa paligid ng kama nila.


"Mahirap na . . . buntis ang asawa ko," sagot nito na seryosong- seryoso sa ginagawa. "I don't believe in aswang but maigi na ang nag-iingat."


Hindi niya na napigilan na mapangiti. Lumapit siya rito at saka niya niyakap nang mahigpit ang lalaki. Ngunit agad itong lumayo sa kanya.


"Bakit?" nakasimangot niyang tanong rito. "Baka mayupi si Baby! Mag-ingat ka naman!"


"Mayuyupi? Wala pa ngang dalawang buwan ito, e! Ang OA mo, ha?!"


Mula nang lumipat sila ni Kara sa condo nito at magkasama na sila ni Hendrick ay dumoble pa ang pagiging OA nito sa pagbubuntis niya. Lalo siyang napasimangot.


Nagsalubong ang mga kilay nito. "'Di ba sabi ko sa 'yo, bawal kang sumimangot?! Baka makaapekto iyan sa baby!"


Naiinis na tinalikuran niya na ito. Nagmamartsa siyang pumunta sa pintuan ng kuwarto nila.


"Hey! Dahan-dahan sa paglalakad!" Mabilis naman itong humabol sa kanya.


Kaunti na lang. Kaunting-kaunti na lang at makakalbo niya na ang lalaking ito sa inis.


"'Wag ka nang magalit, okay?" Masuyo siya nitong niyakap.


"Hmp!" pag-iinarte niya pa. E, ang sarap kasi sa pakiramdam 'pag sinusuyo na siya nito. Ni hindi niya pa nga lubos mapaniwalaan na may ganito palang side ang isang dating cold and distant Hendrick Montemayor.


"Matulog na tayo . . ." ungot nito habang ang mga kamay ay nagsisimula na namang maglakbay sa bawat kurba ng katawan niya.


Napaungol siya. Ang bilis niya talagang mag-init nitong mga nakaraang araw. Iyong kaunting haplos-haplos lang ng hot niyang husband ay nadadarang na agad siya. "Hmm. "


Napakapit siya sa balikat nito. "Hindi naman pagtulog ang gusto mong gawin natin " Namimigat ang mga talukap na tiningnan niya ito.


He just smiled at her. Sabi na, e. Kabisado niya na ito. Wala yatang gabi na hindi ito papayag na 'di sila magdu-do! Minsan nga sore na siya ngunit sige pa rin. Tatlo ang kota nila sa magdamag kaya naman palagi na itong tinatanghali ng gising. Anyway, ito naman ang may-ari ng kompanya kaya wala siyang pakialam kahit ma-late pa si Hendrick sa pagpasok nito.


Marahan siya nitong binuhat at saka inihiga sa gitna ng kama. Naghubad na ito ng suot nitong T-shirt at saka pajama.


Nakatingin lang siya rito. Parang panaginip pa rin talaga na araw at gabi niya na itong nakakasama.


Pinagmasdan niya ang magandang pangangatawan nito, his V-shape body, at ang abs nito . . . pababa pa sa . . . ah perfect!

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon