Kabanata 41

233K 7.9K 2.4K
                                    

ILANG ARAW nang hindi pumapasok sa opisina si Hendrick. Nagkukulong lang siya sa condo at laging nag-iinom.


Nang madaling araw na tahimik at pigil na umiiyak si Camilla sa kama nila ay nakatayo lamang siya sa likod ng pinto. Hindi siya totoong umalis. Alam niya na ayaw nitong ipakita sa kanya na nasasaktan ito. Ayaw ipakita sa kanya ng asawa niya na alam nitong may maling nangyayari.


He wanted to hug and comfort her ngunit paano? Hindi niya alam kung kaya niyang tingnan nang deretso ang luhaang mga mata nito.


"I hate to see her cry! I hate myself more because I was the one who made her cry!" Napaupo siya sa sahig.


Kasalanan niya kung bakit siya iniwan nito. Umalis si Camilla ng araw ding iyon kasama ang kapatid nito. Alam niya na mangyayari iyon. Alam niyang iiwan na siya nito. Alam niya ngunit hindi siya gumawa ng kahit anong hakbang para pigilan ito.


Karapatan ni Camilla na iwan siya dahil isa siyang baliw. May sayad siya at hindi siya deserving para dito.


God knows kung paano niya pinilit na maging karapat-dapat. Tama naman si Ava sa sinabi nito sa kanya, walang magti-tiyaga sa baliw na kagaya niya.


He was madly in love with his wife. Ikinasal sila at magpapakasal na sa simbahan sana. Nakaplano na ang magandang buhay sa hinaharap nila ngunit nang mawala ang anak nila ay para siyang nahulog mula sa mataas na gusali. Nadurog siya ngunit ayaw niyang ipakita iyon sa asawa niya.


Ayaw niyang makita nito kung gaano siya kaduwag. Ayaw niyang malaman nitong minsan sa buhay niya ay nakaranas siya ng trauma, na tuwing nati-trigger ang parte ng katauhan niyang saksakan ng duwag ay nagbabago ang ugali niya. Nababaliw siya at nawawala sa kontrol.


Naging okay na siya sa tulong ng palihim na pagpapatingin niya sa doktor. Naging okay na siya at walang mag-aakalang meron siyang itinatagong marumi at nakakadiring nakaraan.


Okay na sana siya ngunit bakit may nangyaring ganoon? Nakakaramdam na naman siya ng sakit sa ulo niya at nagdidilim ang paningin niya. Ang hirap palang maging sobrang saya at pagkatapos ay masasaktan ka.


"Goddamnit!" Gigil na pinagsusuntok niya ang sahig hanggang sa dumugo na ang mga kamao niya. 


May sumipa sa balikat niya at pagtingin niya ay nakatayo si Leo sa kanyang harapan.


"B-bakit ka nandito?" Nanlalabo ang paningin niya.


Ngumisi ito at muli siyang sinipa sa balikat. "Lalong hindi siya babalik sa 'yo kapag pinagpatuloy mo 'yang kabaliwan mo. Tumayo ka na riyan at hanapin mo na ang asawa mo habang hindi pa huli ang lahat."


"Leo..." Humawak siya sa mga binti nito. "Iniwan niya na ako... Sabi ko na nga ba iiwan niya ako. Umalis na siya... paano na ako ngayon? Ang asawa ko iniwanan ako..."


"You love her, right? Pero ipinaramdam mo sa kanya na hindi mo na siya mahal."


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon