Kabanata 32

237K 8.1K 1.2K
                                    

"ANO na naman ang ginagawa ng Ava na iyon dito?" Nakasimangot na naupo si Camilla sa mahabang sofa na nasa gilid ng opisina ni Hendrick.


"Business." Tumabi si Hendrick sa kanya. 


"Business na naman?!"


"Hey . . ." Natatawa siya nitong inakbayan.


Humalukipkip siya. Naaasar talaga siyang makita ang Ava na iyon. Siguro pa nga ay pinaglilihihan niya ang babae, 'wag naman sana.


"'Di ba sabi ko, hindi ka muna papasok?" Hinalik-halikan ni Hendrick ang balikat niya na nakalabas sa suot niyang sleeveless top na tinernuhan ng paldang hanggang tuhod.


Inis na nilingon niya ito. "Para ano? Malayang makadalaw dito si Ava?"


"Camilla . . ."


Inirapan niya ito. 


Sumandal ito sa sofa at saka pumikit. Mukhang stressed sa trabaho ang mister niya. Nagmamadali na kasi itong matapos ang mga dapat tapusin nito dahil sa nalalapit nilang kasal. Nakaramdam din naman siya ng awa sa asawa.


Humilig siya sa dibdib nito. "Masyado mo na yatang napi- pressure ang sarili mo sa trabaho." Nilaro-laro niya ang dulo ng necktie nito. "Nag-lunch ka na ba?"


"Yes. May gusto ka ba?"


"Hmm, wala . . ." Ngumisi siya. ". . . maliban sa 'yo."


Pinisil nito ang ilong niya. "Tsk, you're a tease. May trabaho pa ako."


"Maghihintay ako sa bahay mamaya." Pinababa niya ang kanyang palad mula sa dulo ng kurbata ni Hendrick hanggang sa marating niya ang matigas nitong kalamnan . . . pababa pa sa . . .


Napapikit si Hendrick habang bahagyang nakaawang ang mga labi nito. He was so hot and sexy.


"Oops! I'm sorry!" Bigla siyang tumayo. 


Nakasimangot na dumilat ang lalaki. "Hey!"


Bumunghalit siya ng tawa. "Sabi ko, maghihintay ako sa bahay mamaya." Kinindatan niya ito.


"Paano pa ako makapagtatrabaho nang maayos niyan?" Madilim ang mukha nito.


Paano nga ba? Tiningnan niya ang harapan ng slacks nito, may nakabukol.


Bumukas ang siliding door. 


"Hi, Camilla." Si Ava. "Nandito ka pala."


Hindi niya ito pinansin.


Lumungkot ang mukha ni Ava. "Oh, I understand na hindi mo ako gustong makita matapos ang pag-uusap natin no'ng isang araw."

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon