Prologue

14.5K 534 18
                                    

-----

Bukang-liwayway. Magkahalo ang liwanag at dilim sa kalangitan. Sa isang tagong parte ng kakahuyan sa Quezon, nagliparan at nag-ingay ang nabulabog na pamamahinga ng mga ibon.

Pumunit sa langit ang sigaw ng isang nilalang. Nakatutulig. Nagpatigil sa payapang huni ng mga insekto. Nagpatahimik maging sa hampas ng hangin.

Ang kasunod ay nakabibinging katahimikan. At dahan-dahang paggalaw ng tuyong lupa. Mula sa isang maliit at makitid na bitak, gumuhit ito papasok sa kakahuyan, patungo sa kumpol ng naglalakihang puno. Nahiwa ang lupa sa mahinang pag-inog. At mula sa mga bitak, nagliparan na parang may buhay ang maliliit na bato, baga at pinong butil ng lupa. Nag-ipon ang mga maliliit na piraso at unti-unting nagkaroon ng hugis - ng pabilog na parang ulo, ng karugtong na haba na tulad sa leeg, ng mga kamay, dibdib at sikmura, ng pigi, tuhod at talampakan.

Nakaluhod ang nilalang habang unti-unting nagdidikit ang mga piraso ng lupa at naghihilom upang maging balat. Humihingal siyang nakatingin sa mga kamay na nakakamal sa mga patay na damo. Tinutop niya ang dibdib ng nagbabagang lupa bago sumigaw uli.

Dahan-dahan siyang tumayo. Naggagalawan ang mga kalamnan niya sa paa. Nang makatayo siya ay isang buong tao na siya. Umuusok na parang bagong luto. Maputing mamula-mula ang balat. Saka siya hubad-barong lumakad palabas ng kakahuyan. #

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now