Chapter 14 : The plan

6.3K 332 56
                                    

-----

Kinindatan ni West si Helena. Nginusuan naman ni Helena ang lalaki. Suspendido pa rin ang pagkilos nila ng lalaki dahil sa Kastigong ginamit ni Genesis.

‘Now. Do it.’ si West.

‘Not yet.’ si Helena.

‘Now!’ giit nito.

‘Don’t shout, weakling!’ aniya.

Sumimangot si West. Ngumisi naman siya. Tinanaw nila si Genesis na kumunot ang noo sa pagsasara ng portal na inaakala nitong humigop kay Ace at kay Corrinne. Matalas ang mata na lumingon ito kay Helena.

‘That’s the cue.’ sabi niya sa Guardian niya, itinaas ang kamay at pinalitaw roon ang puting tungkod ng Paraiso. ‘When it hit her that she didn’t get them!’

Kumisap si Genesis sa kinatatayuan nito para umatake. Kinindatan niya si West na ngumisi lang sa kabila ng pagdurugo ng katawan.

Sumigaw si Helena, “Now! Ace!”

Ibinato niya ang tungkod na hawak sa kanan niya kung saan nakatago sa ilalim ng kapangyarihan ng Siete Virtudes ni West ang tunay na Protacio at ang batang Clairvoyant. Agad sinalo ng lalaki ang Paraiso gamit ang libre nitong kamay. Kumisap si Genesis sa harapan niya para sumipa pero nahawakan ni West ang paa nito. Natuon ang pansin ng kalaban sa nakabendang lalaki. Nakaantabay naman siya kila Ace na nakahanda na sa pag-alis sa dimensyon na iyon.

“Revertere!” sigaw ni Helena kasabay ng pagsaksak ni Ace ng kahoy sa paanan ng mga ito. Bumukas ang portal sa sahig bago kumisap ang dalawa at mawala roon.

“No!” hiyaw ni Genesis, pinalitaw ang kastigo sa kamay nito at iwinasiwas kay West.

Tumalon patalikod si West at naiwasan ang kastigo. Pinalitaw naman ni Helena sa sariling kamay ang kahoy ng Paraiso at umusal ng panalangin.

“I command all doors in this dimension be closed!” nakatingala sa langit na wika niya. Nakuha niya ang atensyon ni Genesis na patuloy ang pag-atake sa Guardian. Kumisap ito at nawala. Napailing siya sa pagngisi. “Claudite ostium!” saka niya itinusok ang Paraiso sa konkretong sahig.

Nang lumitaw si Genesis sa harap niya ay nagbago siya sa anyong apoy at hinampas ito ng pakpak niya. Saka siya kumisap at lumipat sa unahan ng kinatatayuan ni West. Iniharang niya ang katawan sa pagitan ng lalaki at ng kalaban. Humarap siya sa batang babaeng nagngingitngit.

‘Can take more, Guardian?’ tanong niya kay West habang pinahupa ang apoy sa katawan.

Humihingal ang lalaki. At umaagos sa magkabilang kamay nito ang dugo. Dugo na galing sa mga sugat sa katawan na sigurado siyang nagbukas na naman. Pero may alab sa mata nito na tulad nang sa apoy sa katawan niya. Alam na niya ang sagot sa itinatanong.

‘This is the first in so many years that we are fighting side by side. I wouldn’t give this up.’

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now