Chapter 1 : From the dead

11.5K 459 29
                                    

-----

West steadily walked between an enormous crack on the ground. Nakasuot siya ng gray na jacket, itim na pants at may sukbit na backpack. Hawak niya sa kamay ang tungkod ng Siete Virtudes - isang itim na kahoy na may pitong-tubo o pitong seksyon.

He breathes deeply, staring into what’s in front of him - Helena. Sa tulong ng Siete Virtudes ay nakabuka ang dating sahig ng lupa mula sa ugat ng puno na dapat na nakatabon dito. At mula sa pagkakabuka ay nakaharap siya ngayon sa isang dingding ng matataba at sanga-sangang ugat ng malaking puno ng balete. Sa gitna, yakap ng sala-salabid na ugat ay naroon ang hubad-barong si Helena - tuwid itong nakapwesto patayo at nakakuyom ang mga kamao. Nakapikit itong tila natutulog habang may kulay-apoy na liwanag ang pumapalibot at nagmumula sa buong katawan nito.

“Here you are, Drifter.” malamlam ang mata niya sa pagkakatingin sa pigura ng babae, “Aren’t you cold?”

Umusal siya ng panalangin sa hawak na tungkod. Pagkatapos ay lumapit siya sa harap ng babae at itinuktok ang dulo ng kahoy sa isang matabang ugat na nakabalot dito.

‘West...’ boses iyon ni Helena. Naririnig niya, mula sa isipan.

“What?”

‘You’re slow.’

Ngumiti siya, “What do you expect? I took the car.”

Nagliparan ang mga kawan ng ibon na nasa loob ng kakahuyan kung nasaan siya. Umihip ng malumanay ang hangin bago naggalawan ang mga ugat ng puno. Dahan-dahan ay umangat at umatras ang mga ugat na nakabalot kay Helena. Nakaabang naman siya habang hawak ang inilabas na tila kumot na pambalot sa babae. Nang malalaglag na ito mula sa galamay ng mga ugat ay alalay siyang humawak sa magkabilang braso nito. Malamig ang balat ni Helena. Pero mainit ang tila alab na nakapalibot dito. Marahang nahulog sa bisig niya ang babae. Ibinalot niya sa abuhing tela ang katawan nito.

“Thank you.” mahina niyang sabi sa puno. Naggalawan uli ang mga ugat at tumusok pabalik sa dingding ng lupa. Lumakad siya palabas sa hiwa ng lupa habang buhat-buhat si Helena.

Coming out from the crack, he recited a prayer and the earth closed itself. Natahimik ang buong gubat.

“Welcome back, Drifter.” nakangiting sabi niya sa nakapikit na babae sa bisig niya.

*****

“Move, West. We just have to look into Helena.”

Napatingin si West sa matandang lalaking nagsalita. Hindi siya tuminag.

Naka-indian sit siya sa harap ng isang kweba sa ilalim ng bundok ng Banahaw. Makitid ang kweba at nakikita sa likod niya ang nakahigang si Helena. Mahigpit niyang hawak ang Siete Virtudes. Nakahanda ang kalooban niya sa anumang pag-atake mula sa tatlong nasa harapan - si Lolo Alfredo Arcanghel, si Ninong Benjamin Coronado at si Gian Coronado.

Alam niya ang pakay ng mga ito. Hindi lingid kay Ninong Ben at kay Gian ang ginawa niyang pagsundo kay Helena. Alam niya rin ang panganib na maaaring harapin dahil sa ginawa. Helena should be dead. A month ago, on a case that almost robbed her of her own body, he saw her dead. He caused her death from the devouring fire of the bulalakaw. The problem is, she didn’t stay dead. And they feared that whoever came back was not Helena, at all.

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now