Chapter 6 : The Dark Room

7.2K 341 8
                                    

-----

Mula sa ikalawang palapag ng mansyon ay kitang-kita nina West at Helena ang komosyon sa living room. Mabilis na kumikilos ang Forensics Team na kasama ni Ninong Ben palapit sa nagbalik na Protacio.

Agad nilang nakilala ang lalaking nasa ikalawang larawan. Hirap itong nakaupo sa mahabang sofa at mahigpit na nakaakap ang dalawang kamay sa sikmura. Nagtutulo ang dugo at naglalaglagan ang tila nalulusaw na laman nito mula sa bukas na sugat sa tiyan. Namumuti ito. At halos nakapikit sa pagdaing.

Natatarantang kinakausap ito ni Estela at tinatanong, “You came back! Nasaan si Corrinne, Lolo? Paano ka nakabalik?”

Nakapigil si Ninong Ben sa braso ng babaeng nagpupumilit na hawakan at paharapin si Protacio. Sa senyas at tinginan ay nagkaunawaan ang matandang lalaki at ang Forensics. Marahang hinihila palayo ni Ninong Ben si Estela para malapatan ng lunas ang may pinsalang lalaki sa sofa.

“Sir, kaya n’yo ho bang sabihin sa amin kung anong nangyari sa inyo? Saan ho kayo galing?” tanong agad ng nakatatandang lalaki nasa forensics nang paluhod na makalapit. Sinipat nito ang damit ni Protacio at sinuri ang pulso nito.

Paulit-ulit na iling ang sagot ng pasyente. Tumitirik ang mata nito at nanginginig ang katawan. Ang tanging nagagawa nitong tunog ay mga ungol at hindi maintindihang pagdaing.

“Sir?” ang ikalawang lalaki sa Forensics.

Walang nakuhang sagot sa tinatanong.

Bumaling ang tingin ng ikalawang lalaki sa mas matandang lalaking kasama nito sa Forensics, “Hindi na ito makakasagot ng maayos, Sir.”

Nagtanguan ang dalawa na tila nagkakaintindihan sa dapat gawin.

Nakamasid sila ni West habang bumababa ng hagdan. Nakatanga ang iba pang pulis na namamangha sa bagong dating. Si Juanito ay mabilis na dumalo kay Estela at hinawakan ang asawa. Si Gian naman ay tumabi kay Ninong Ben.

Nang makalapit ay pinag-aralan ni Helena ang pinsala. Walang punit na laman sa sikmura ng lalaki. Sa halip, para bang isang nagbabaga o nasusunog na bagay ang tumama roon at lumusaw sa laman nito. It’s a burn... yet it also looks like, he bled from a clean cut. Iyon siguro ang hindi mauri ng dalawang lalaking nakasaklolo rito.

Kasunod niyang sinipat ang mga kamay nito. May sunog sa dulo ng mga daliri nito. May malalalim na kalmot at hiwa sa braso. Gayun din sa leeg. Maliban doon ay wala nang iba pang pinsala sa balat.

Maya-maya, pumasok sa kabahayan ang isang nagmamadaling pulis na tulak-tulak ang isang stretcher. Nang makalapit ito sa ay nagpatulong ang Forensics sa mga kalapit na maihiga doon si Protacio. Pagkatapos, pinanood nila ni West kung paano iniunat ng Forensics ang katawan ng pasyente at marahang ihiwalay ang kamay nito sa pagkakadutdot sa sugat. Nang maihiga na nang maayos si Protacio sa kabila ng pagdaing nito, mabilis ang naging kilos ng mga sumasaklolo. Ang mas matandang lalaki ay sinimulang suriin ang vital signs nito. Sinipat ang mata. Kinunan ng pulso. Pinag-aralan ang sugat. Ang mas bata naman ay nagsisimula nang takpan ng sterile pads ang sunog nito.

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now